Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2017

Journal #1 ni RRE Falcon

 Journal #1                 Ang akademikong pagsulat ay isa sa pinakamahalagang instrumentong dapat natin isaalang-alang sa ating pamumuhay dahil sa pamamagitan ng pagsulat maaari mong baguhin ang takbo ng mundo sa pamamagitan ng mga salita at letra, ito ay maaaring makatulong sa pagsulong ng pag-unlad Sa pamamagitan ng pagsulat, layunin nito na maisaayos ang iyong pakikipagkomunikasyon at maiwasto ang mga nararapat na anyo sa iyong sulatin. Bagamat madali ang pagsulat pero medyo mahirap ang pagsasaayos nito mula sa tamang anyo ng pagsulat. Mahalagang malaman ang kahalagahan ng iba't ibang anyo ng pagsulat upang maging pormal at kaaya-ayang basahin ang isusulat mong sanaysay o anumang uri ng sulatin.         Ang pagsulat ng iba't ibang anyo sa larang akademik ay may layunin na maisaayos ang iyong pagsulat sa iba't ibang uri ng sulatin ay ito rin ay makakatulong sa iyong kasanayan sa pagsulat. Ang pagsulat ay madada...

Journal #1 ni David Luna

Journal #1      Ang pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral ay dumadaan sa matindi at komplikadong proseso. Ang pagsusulat ay kinakailangan ng kasanayan upang maging mas maayos ang pag iintindi ng mga mambabasa.      Maraming pwedeng makinabang sa isang sulatin kaya kailangan ay gandahan mo ang pag-gawa. Ang pagsusulat ay nararapat na samahan ng disiplina upang mas maging maganda at epektibo ito. Kailangan mong ikonsider ang lahat ng maaari mong maging mambabasa para ang lahat ay pwedeng makinabang dito. Ang isang sulatin ay hindi basta-basta kung titingnan maigi. Ito ay kinakailangan ng matinding kasanayan upang maging isang mahusay na manunulat.      Ang pagsulat ay isa ring plataporma na ginagamit sa komunikasyon kaya nararapat lang dito na paghusayan dahil upang magkaintindihan ang dalawa o marami pang taong naguusap. Ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang sulatin ay hindi dapat mawala da...

Journal #1 ni Fatima Prudente

Journal #1        Ang sulatin ay isang intelektwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasanay na sumasailalim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinion base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapag batid ng mga impormasyon at saloobin sa mga mamamayan na mambabasa.        Mahalaga malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat, upang magamit natin ito sa wasto at tamang paraan.sa pag gamit nito ay mas mapapalawak natin an gating pag-iisip sa iba’t ibang asignatura at pagsulat. Maitatalaga natin sa tamang paraan ang layunin na nais nating maibahagi sa mga tao, at dahil sa iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pagaaral, maisasaayos natin ang impormasyon na pwede nilang malaman.         Naging daan ang pagsulat upang ipahayag ang saloobin at damdamin. Nagsisilbing komunikasyon sa kapwa ang pagsulat at nagagamit ito para sa la...

Journal #1 ni Kertz Henrich Gajete

Journal #1                  Mahalaga ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat dahil ginagamit ito sa ating pagaaral. Ang iba't ibang anyo ng pagsulat ay nakakatulong sa atin sa pagpapalago ng ating kasanayan sa pagsulat. Mabuti rin na tayo ay naalam sa mga ito. Dahil ito ang makakatulong sa atin para tayo ay maging produktibo.          Sa paguslat ng mga salita ay dapat nating isinasapuso at isinasaisip dahil ang mga mahahalagang impormasyon na nakalap natin ay magiging basehan natin. Ang pagsunod sa layunin at paraan ng pagsulat ay higit na dapat ay likas sa ating mga magaaral. Ang iba't ibang anyo ng pagsulat ay dapat nating ayusan at bigyang pansin.          Ito ay naglalayon na paigihin pa ang ating kaalaman ukol sa pagsulat dahil maari natin itong maging paraan ng ating tagumpay sa ating mga trabaho. Ang pagpapahalaga sa mga salitang ginagamit o sinusulat ay dapat na isaay...

Journal #1 ni Gian Karl Esguerra

Journal #1                     Ang iba't ibang uri ng pagsulat ay mahalagang malaman dahil para malaman natin ang iba't ibang impormasyon, pagpapaliwanag sa iba't ibang bagay at siyempre para malaman din natin ang pagsusuri o pagkuha ng isang datos. Kaya kailangan din natin itong malaman at para magamit natin ito sa kolehiyo.                      Ang Akademikong Pagsulat ay isa sa ginagamit daw ng mga magaaral sa kolehiyo. Ang layunin nito ay maipakita ang resulta ng paggawa ng isang pananaliksik at makakatulong ito sa paghahanda sa pagsulat ng isang pananaliksik kaya kailangan din natin itong matutunan.           Kailangan nating malaman lahat dahil kailangan natin ito o magagamit natin ito sa mga susunod na henerasyon o sa ating kursong kukunin, mapapadali natin ang mga bagay bagay o mas mapadali natin ang mga gawain sa iba't ibang uri ng pagsula...

Journal #1 ni Raelyn Fojas

Journal #1           Sa iba’t ibang klase na ating ipinapahayag ay may iba’t iba rin tayong ginagamit na sulatin. Kung nais mong magsulat sa isang paksa na iyong sinasaliksik ay pamanahong papel ang maaaring iyong gawin. Kung ukol naman sa pagpapakita ng kalagayan mo sa isang isyu ang nais mong isulat ang posisyong papel naman ang pinakanaaayon. Ang paggawa ng sulatin ay depende sa kung anong nais mong iparating sa mambabasa.       Ganoon ang pinupunto kung bakit mahalaga malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng mga sulatin. Kailangan mong malaman ang layunin ng isang sulatin para maipahayag mo ang nais mong ipahayag sa mga mambabasa at ang paraan naman upang maging maayos o hindi magulo ang bawat ideya ng iyong sulatin. Sa gayong paraan ay magiging mas epektibo ang pakikipagkomunikasyon mo sa mga mambabasa o magkaroon kayo ng maayos na interaksyon sa bawat isa kung alam mo na wasto ang ginamit mong sulatin sainyong tal...