Journal #1
Sa iba’t ibang klase na ating ipinapahayag ay may iba’t iba rin tayong ginagamit na sulatin. Kung nais mong magsulat sa isang paksa na iyong sinasaliksik ay pamanahong papel ang maaaring iyong gawin. Kung ukol naman sa pagpapakita ng kalagayan mo sa isang isyu ang nais mong isulat ang posisyong papel naman ang pinakanaaayon. Ang paggawa ng sulatin ay depende sa kung anong nais mong iparating sa mambabasa.

Ganoon ang pinupunto kung bakit mahalaga malaman ang kalikasan, layunin
at paraan ng pagsulat ng mga sulatin. Kailangan mong malaman ang layunin ng
isang sulatin para maipahayag mo ang nais mong ipahayag sa mga mambabasa at ang
paraan naman upang maging maayos o hindi magulo ang bawat ideya ng iyong
sulatin. Sa gayong paraan ay magiging mas epektibo ang pakikipagkomunikasyon mo
sa mga mambabasa o magkaroon kayo ng maayos na interaksyon sa bawat isa kung
alam mo na wasto ang ginamit mong sulatin sainyong talakayan. Halimbawa, kung
ikaw ay gagawa ng isang sintesis ng isang libro marapat na lamang na alam mo na
layunin ng sintesis ay ang pagbabahagi ng mahahalagang punto ng isang teksto sa
maikling paraan. Sa pamamagitan noon ay makapagbibigay kaalaman ka sa mga
mambabasa ng malinaw o mas magiging epektibo ang pakikipag-interaksyon mo sa
ibang tao.
Hindi
marapat na balewalain na lamang ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang sulatin sapagkat ito ay ang tumutulong upang mas maging epektibo
ang talakayan o komunikasyon. Alam naman natin na ang pakikipag-komunikasyon
natin ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ang nagbubuklod sa ating mga
Pilipino kung kaya’t mahalaga ang bawat kalikasan, layunin at paraan ng
sulating akademik.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento