Lumaktaw sa pangunahing content

SULATIN # 3 NI MA.FATIMA PRUDENTE

Sulatin # 3

Desyembre 07, 2017

     Ang Talumpati ay isang uri ng pagsasalita na ginagamitan ng damdamin, opinyon, at panghihikayat. batay sa napanood hinihingkayat niya ang mga manunuod gamit ang pananalumpati. Ang mahalagang salik na dapat bigyang- diin sa pagsulat ng isang talumpati ay kung paano mo ito maipapahayag sa mga taga pakinig , at kung paano mo mabubuo ang isang magandang talumpati na kayang hingkayatin ang mga tao. nararapat na sila'y isa alang-alang dahil sila ang kikilatis kung ano ang nilalaman ng iyong tinatalumpati. malalaman mong napukaw mo ang atensyon ng mga tagapakinig kapag nakita mong lahat sila ay nakatingin saiyo ng mataimtim.
     Ayon sa unang talumpati na napanood, ang talumpating iyon ay tungkol sa nasyonalismo. kinakailangan natin mahalin ang ating sariling bayan o bansa. iyon ang isa sa nais na iparating samin ng nagtatalumpati. nakikita dito kung paano niya itinatatatag ang nasyonalismo nating mga pilipino. ang uri ng talumpati niya ay isinaulong talumpati, maayos itong naipahayag sapagkat kita rito ang damdamin ng pagpapahayag. ito ay may pormalidad sa pananalita. kita rito ang kaniyang kasuotan na tumutugma sa nais niyang paksa.
     Sa pangalawang napanood naman sa spokenwords ay isang uri rin ng talumpating sinaulo. ito ay tungkol sa pagmamahalan na itinago ang tunay nilang nararamdaman. hinihingkayat niyang huwag sana maging ganoon ang mga relasyon. dahil sa napagdaanan ng babaeng iyon naipahayag niya ng buong puso ang kaniyang mga salita sa gitna ng madaming tao. nakita roon ang mga pananaw ng mga magkasintahan sa isang relasyon. mas nararapat palang intindihin ang isat-isa kesa sarilinin nalang ang problema o naisin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Sulatin #4 ni Raelyn Fojas

Sulatin #4 1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag- unawa?           - Ang kahulugan ng posisyong papel batay sa aking naintindihan ay ito ay nilalaman o may paksa base sa kung anong pananaw ng isang awtor sa isang isyu. Makikita rito ang mga argumento ng manunulat. Nilalaman ito ng mga ebidensya na magpapatunay o magbibigay- diin sa panig ng awtor. 2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?           - Ang paglatag ng mga argumento sa posisyong papel ang magbbibigay daan upang mas maging malinaw ang pinupunto ng awtor. Ito rin ang magdadala sa mga mambabasa upang pumanig sa inilalahad ng manunulat. Mas magiging makatotohanan kung may mga datos na makakapagpatunay o makakahikayat. 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?           - Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay a...