Output #3
"Titser Annie"
May isang sitio sa Mindoro na nag-ngangalang Labo. Malayo ito sa kapatagan at kabihasnan kung kaya't hinti ito ganoong naaabot ng edukasyon. May dalawang guro sa sitio na ito at isa sa kanila ay si titser Annie Masongsong, siya ay 14-taon na nagturo sa pribadong eskwelahan at ngayo'y nasa ikalawang taon ng pagtuturo sa mga Mangyan. Si titser Annie ay nagta-tyaga maglakad ng mahigit isang oras at dumaan sa 16 na ilog makapagturo lamang.
Sapagkat dalawa lang silang guro, pinagsasama-sama nila ang mga baitang at sabay- sabay na tinuturuan. Isa sa mga mag-aaral ng kinder si Dina, dalawampung taong gulang. Dalawang taon ng may sakit ang kanyang ina at pumanaw na ang kanyang ama kung kaya't hindi siya mapalad na nakakapag-aral araw-araw. Si Dina ay nagtatrabaho upang kumita ng pera para sa kanyang ina. Sinusuong niya ang lahat ng hirap maitinda lang sa maliit na halaga ang kanyang mga saging na nakuha. May mga pagkakataon na si titser Annie ay nag-aabot ng gamot para sa mag-ina at maging bigas at sardinas. Ito ay konting tulong para sa mag-anak ni Dina.
Bagamat natapos na ni Titser Annie ang kanyang kontrata sa sitio Labo pinili parin niya na manatili para sa mga Mangyan na nangangailangan. Naniniwala siya na rito niya nagtagpuan ang kanyang katauhan at hangga't kaya niyang lakbayin ang mahabang daan patungo sa sitio ay hindi siya titigil na turuan ang mga ito. Nais niya na mag-iwan ng tatak sa sitio Labo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento