Output #1
"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw"
Ang pagsulat ay isa sa pinakamagandang gawain ng isang mag-aaral. Naging mas makabuluhan ito noong ito ay sinamahan ng interes at pananaw ng manunulat. Ang pagsusulat ay ginagamit sa paghahayag ng kaalaman at pananaw ng manunulat. Ang isang pagsulat ay hindi basta-basta sapagkat ito ay sinasamahan ng talino at kahusayan ng isang tao. Ikaw ay nararapat na may alam sa iyong paksang ginagawa o sa paksang pinaguusapan.
Ang pagsusulat ay isang malaking responsibilidad dahil kailangan mong ikonsider ang maaaring maramdaman ng mga mambabasa mo. Ikaw ay nararapat na may alam sa iyong paksang ginagawa upang ikaw ay hindi magkamali o magkulang sa mga detalye na kailangan sa iyong sulatin. Maaaring magbigay ng opinyon sa isang sulatin upang ito ay maitama at doon tayo matuto. Ginagamit ang isang sulatin sa pagaaral upang magkaroon ng bagong kaalaman sa paksang iyong ginagawa. ang isang sulatin ay nangangailangan ng tanong sa huli na tatatak sa utak ng mga mambabasa. Ang isang sulatin ay dapat na may konektadong nilalaman dahil ang sulatin ay sumasalamin sa kanilang mga manunulat.
Ang pagsulat ay isang mahirap na gawain at kinakailangan ng matinding pagsasanay kaya ito ay nararapat na seryosohin. Masayang matuto na gumawa ng isang sulatin dahil ito ay isang ensayo na maaaring makapaghasa sa atin ng lubos sa larangan ng pakikipagusap, paghahayag ng kaalaman at pagpapaliwanag sa ating sarili, Tandaan na ang isang sulatin ay sumasalamin sa ating pagkatao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento