Isang natatanging karanasan bilang isang mag aaral
2016 ng nakapagtapos ako sa Paaralan ng San Agustin noong ako'y hayskul pa lamang. hindi nagtagal ay sumabak naman ako sa senior hayskul ng San Agustin. parehas na taon din iyon nangyari.
Dito ko naranasan mahirapan ng sobra dahil hindi ko inaasahan na ganoon pala kahirap ang buhay sa kolehiyo. Naranasan ko rin na bumagsak. akala ko'y hindi na ako makakabangon muli ngunit ginawa ko lahat ng aking makakaya upang bumawi sa aking grado, sa kadahilanang gusto ko kumuha ng kursong Civil Engineer. nagsumikap ako bilang estudyante ng STEM. alam kong hindi doon matatapos ang aking storya. hindi pa ako nakakatapak sa kolehiyo kaya wala akong karapatang sumuko. naisip ko na walang wala pa ito sa buhay ng tunay na estudyante ng kolehiyo. lumipas ang mga buwan at araw na wala akong ginawa kung hindi magsumikap, hindi ko na hinayaan mapabayaan ang aking pag-aaral. nangangailangan ako kaya dapat ay pagsikapan ko.
Sa buhay estudyante ko naranasan ang lahat, pagsubok, pagsuko, paghihirap, paghahabol at pagbagsak. pero dito din ako natutong magsumikap at magtiyaga. malalampasan din natin ang ganitong buhay. hindi habang buhay ay estudyante tayo kung matututo tayo tumakbo sa mga hamon ng ating buhay. Makakapagtapos tayo at magsisimula muli. Madami pa akong hindi natututunan bilang mag a-aral at inaasahan ko na matututunan ko ito sa kolehiyo. pinapangako ko, paghuhusayan ko, upang maitaguyod ang aking pamilya at maabot ang aking pangarap.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento