Output #1
"Librong kakatapos mo lang basahin"
Anong pakiramdam mo pagkatapos mong magbasa ng isang libro? Masaya? Malungkot? Naiinis? Ang magiging pakiramdam natin ay dedepende sa kung anong tema ng ating librong nabasa. Tulad nito ganoon din sa ating buhay iba- iba ang ating nararamdaman sa bawat librong ating madadaanan o mararansan.
Tama sila na ang buhay ay puno ng kuwento, iba- ibang pangyayari, iba- ibang karanasan. Sa oras na ito nasa libro ako na kung saan ay may nalaman ako na dadalhin ko na sa buong buhay ko. Hindi madaling tanggapin na may karamdaman ka. Gulantang, takot at lungkot ang naramdaman noong una palang itong natuklasan. Hindi lang sakit sa katawan ngunit sakit din sa kalooban ang naramdaman noong una palang itong natuklasan. Nakailang ulit isipin na paano na ang susunod, paano na sa kinabukasan kung ganitong may karamdaman. Oo, madaming tanong ang nabuo sa isipan, at sari- sari ng naramdaman.
Ngayon tapos na akong basahin ang librong iyon kung saan ang nilalaman ay puno lang ng kapighatian at kalungkutan. Tulad nga ng sabi ko ang buhay ay puno ng kuwento, ito ay nangangahulugang madami pa tayong librong magagawa at mababasa. Dapat ko na sigurong gawing isang alaaala at aral ang librong kakatapos ko lang basahin, dahil ngayon magsisimula na ulit sa bagong libro. Libro na kung saan ay puno na ng ligaya at positibong mga kabanata.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento