Output # 2 (Lakbay Sanaysay)
Noong ika-28 ng Enero 2018, kami ng pamilya ko ay nagpunta sa Bulacan para sa isang salo salo na inihanda ng aking lolong umuwi galing ibang bansa.
Habang ako'y nasa biyahe papuntang Bulacan ako ay nakatulog dahil dalawang oras ang biyahe papunta doon. Nang nagising ako kami ay nasa NLEX na at nag stop over muna kami sa Jollibee para kumain dahil nagutom kame sa biyahe.
Nang nakarating kami sa Bocaue, Bulacan ang sarap ng simoy ng hangin at tsaka anlamig lamig. Nakita ko na ulit yung mga pinsan ko, ninang at ninong ko, mga kamaganak ko dahil ilang taon na din kami hindi nagkikita at siyempre yung lolo kong galing ibang bansa. Ang daming nagulat sakin dahil dati kasi anliit liit ko pa noong huling punta namin doon ngayon daw anlaki laki ko na daw. Noong tinawag ako ng aking lolo binigyan ako nang pasalubong na sapatos at mga damit, siyempre nagbless muna ako at nagpasalamat. Pagtapos non kumain kami sa dahon ng saging. Madaming putahing ulam ang nakahanda sa ibabaw ng kanin. Masarap yung luto nila dito sa Bulacan lalo na yung lechong bulacan na ang daming sarsa na nakalagay sa loob ng baboy. Siyempre hindi ako nagpatalo kumain ako nang madami at ako'y nabusog. Pagtapos ng kainan meron silang inihandang laro at ako'y sumali sa palarong iyon para makakuha ng papremyo. Pagtapos ng mga palaro merong konting inuman, kwentuhan, sayahan at iba pa. Noong natapos na kami ay nagpicture picture sa mga palipaligid lalo na sa garden ng aking ninang pagtapos non kami ay nagpahinga at nakauwi ng ayos.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento