Lumaktaw sa pangunahing content

Output #2 ni Raelyn Fojas (Finals)

Output #2

Lakbay Sanaysay "Hundred Islands" 


               Sino nga ba ang hindi magnanais na makapagbakasyon? Wala na nga atang mas gaganda pa sa isang bakasyon kasama ang iyong mahal sa buhay upang magpakasaya, makalimot sa problema o sa kung anong dahilan p.Isipin mon a lang na nasa harap moa ng isang tanawin.Kasama ang iyong pamilya o kaibigan,diba’t kaygaan nito sa pakiamdam.


         Hindi ko malilimutan noong ika-10 ng Disyembre taong 2016 ng madaling araw ay nagsimula na kami ng pamilya ko na maglakbay mula Cavite papuntang Alaminos, Pangasinan.Nang ika- 5 ng madaling araw ay nakarating kami sa Dambana ng Manaoag,Pangasinan para dumalo sa misa. Matapos nito ay nagpatuloykami sa paglalakbay hanggang sa maabot na naming ang Alaminos,Pangasinan.Tumigil kami a isang bahay parentahan at dahil napagod n ang lahat sa biyahe ay napagdesisyunan na ipagpabukas nalang ang pagpunta sa mismong destinasyon na Hundred Islands.Pinalipas naming ang isang araw sa pagkain ng sama-sama, pagkukuwentuhan kasama ang mga pinsan at paglilibot sa parke na malapit sa daungan ng bangka kung saan ay makakatagpo ng mga pampasalubong tulad ng damit,pagkain at pang dekorasyon.

           Kinabukasan ay maaga kaming nagsigayak dahilan na rin ng aming pagkasabik sa aming destinasyon.Sumakay kami sa isang bangkang inarkila,at habang nakasakay ako ay naghahalo ang kaba at pagkamangha.Kaba sapagkat hindi ako marunong maglangoy at mangha dahil sa ganda ng tanawin. Malinaw na tubig,magagandang isla at pagsikat ng araw ang iyong makikita.Sa halos isang daaan,dahil ang ilan dito ay lumubog na ay may ilan itong isla na maaring puntahan at tigilan.

            Tatlong isla ang aming pinuntahan at ang una dito ay ang “Governors Island”kung saan kinunan ang larawan.Dito ay matatagpuan ang ilang kweba at mataas na lugar upang makita ang tanawin maraming isla.Sunod naman naming pinuntahan ay ang “Quezon Island” na para bang isang resort dahil dito ay may kainan,zipline at maaaring sakyan na bananana boat,kayak at jet ski.Sinubukan naming dito ang banana boat at dito na rin kami kumain ng tanghalian.Para sa huli naming pinuntahan ay ang “Childrens Island”.Ito ay pinangalanang “Childrens Island” sapagkat ito ay mayroong mabababang level ng tubig na tamang tama sa mga bata.Dito ay sinulit naming ang pagligo at maging ang pag-snorkeling dahil maraming isda ang makikita rito. Nakakalungkot ay matapos nito ay nagpaalam na kami sa napakagandang lugar na ito at tuluyan nang gumayak pauwing Cavite.
               Sa aming paglalakbay ay marami akong natutuhan.Natutuhan kong dapat talaga nating pahalagahan at ingatan ang gawa ng Diyos at marapat din na marunong tayong tumanggap sa paligid natin.Bukod pa doon ay napagtanto ko kung wala ngang papalit sa isang bakasyon o lakbay kung saan kasama mo ang mahal mo sa buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Sulatin #4 ni Raelyn Fojas

Sulatin #4 1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag- unawa?           - Ang kahulugan ng posisyong papel batay sa aking naintindihan ay ito ay nilalaman o may paksa base sa kung anong pananaw ng isang awtor sa isang isyu. Makikita rito ang mga argumento ng manunulat. Nilalaman ito ng mga ebidensya na magpapatunay o magbibigay- diin sa panig ng awtor. 2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?           - Ang paglatag ng mga argumento sa posisyong papel ang magbbibigay daan upang mas maging malinaw ang pinupunto ng awtor. Ito rin ang magdadala sa mga mambabasa upang pumanig sa inilalahad ng manunulat. Mas magiging makatotohanan kung may mga datos na makakapagpatunay o makakahikayat. 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?           - Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay a...