Output # 3
"Titser Annie"
Si Annie ay isang guro. Siya ay labing-apat na taon ng nagtuturo. Sa tagal ng kanyang pagtuturo ay inatasan siya ng DepEd na magturo sa Labo Elementary School sa Sitio Labo na matatagpuan sa mindoro. Karamihan sa mga tao dito ay mga mangyan at ang lugar ay bulubundukin.
Araw-araw ay dalawang oras siyang naglalakad patungo sa paaralan. Siya ay dumadaan sa labing- anim na ilog dahil sa haba nito. Karamihan sa paaralang pinagtuturuan niya ay lalaki ang guro dahil sa araw-araw na lakbayin. Siya ay dalawang-taong inatasan na magturo sa paaralan sa sitio labo kaya dalawang-taon din siya nagtiis sa lakbayin.
Halo-halo ang baitang na tinuturuan ni Annie sa isang kwarto. Mayroong matanda at bata. Ang mga estudyante sa Sitio labo ay mapagbigay at palaging nagkakasundo sa isa't isa. Itinanong nina Kara David at titser Annie kung bakit sila ay nag-aaral parin kahit matanda na. Gusto ng mga matatanda na matuto magsulat at magbasa kahit papaano. Ang isa sa dalaga niyang estudyante ay si Dina.
Si Dina ay estudyante ni Annie na tatlong beses sa isang linggo lamang pumapasok. Siya ay nagtatrabaho kapag hindi pumapasok sa eskwelahan para makatulong at makabili ng gamot para sa nanay niyang may malubhang sakit.
Si Dina ay tinutulungan ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa pamilya niya. At ang kinikita niya namang pera sa trabaho ay pinambibili niya lamang ng gamot.
Napalapit na si Annie sa kanyang mga estudyante dahil siya ay naaawa. Kung kaya't noong tapos na ang kanyang araw ng pagtuturo sa lugar ay tinanggihan niya ang offer ng DepEd na makapagturo naman sa kapatagan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento