Output #2
"Titser Annie"
Sa isang lugar sa mindoro may liblib na komunidad.Kung saan si titser annie ay naglalakbay patungo roon.Nilalakbay niya ang mataas na bundok para lamang makapgturo sa elementarya ng Labo.Tinatawid niya ang 16 na ilog linggo linggo.At sa 14 na taon niyang pagtuturo ay hindi parin siya umaalis sa paaralan ng Labo.Dahil narin sa napamahal na siya sa mga katutubong mangyan.Si titser annie ay tinuturuan ang mga kinder, grade 1,2 at 3,at sabay sabay niya itong tinuturuan.Dahil dalawa lamang sila ni titser kristel,ay pinagtutulungan nilana makapgturo sa mga mangyan.Sa umaga ay ang mga bata muna at hapon ay ang mga matatanda naman ang kanyang tinuturuan.Sa kinder may isang dalaga na 20 anyos at ang kanyang pangalan ay Dina.Siya ay pumapasok lamang ng tatlong araw at kng minsan ay hindi siya pumapasok dahil kailangan niyang magtrabaho.
Si Dina ay mayroong pinuntahan noon at siya ay nagpunta sa gubat para makakuha ng saging.Ito ay ibebenta niya para makabili siya ng gamot para sa kanyang magulang na may sakit.Sa kanyang pagkuha ng saging ay ibebenta niya ito sa mga mangangalakal o bentahan ng produkto ng mga mangyan.Lalakbayin niya ang 2hrs. na oras para lamang maibenta ito.Ang nakuha niya ay 144 pesos.At siya ay pupunta sa bilihan ng gamot o botika.
Pagkablik ay nagkaroon ng kainan sa kamunidad ng Labo.Sila ay masaya dahil sa mga biyayang natatanggap nila.Kahit na si titser annie ay na promote na sa pagtuturo ay hindi parin siya umalis doon at siya ay nagpatuloy na maglilingkod sa elementarya ng Labo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento