Output # 3 : Sintesis
"Titser Annie"
Mga ilog, bangin at gubat ang araw araw na tinatawid ng isang guro na nagngangalang Titser Annie. Isang oras niyang nilalakad at tinatawid ang 16 na ilog makarating lang sa kanyang pupuntahan na eskuwelahan. Ang mga tinuturuan niya doon ay mga batang mangyan. Si Titser Annie ay dalawang taon na nagtuturo sa paaralang Labo Elementary School.
Tinuturuan ni Titser Annie na magsulat ang mga batang mangyan para matuto sila. Siya ay walang dagdag suweldo pero tuloy parin siya na nagtuturo. Habang nagtuturo si Titser Annie siya ay pinangunahan ng pandidiri ngunit tinanggap niya rin ito.
Sa paaralang Labo Elementary School dalawang guro lang ang nagtuturo, Sa Ika- 4 hanggang Ika- 6 na baitang ay si Titser Kristel habang sa Kinder hanggang Ika- 3 baitang naman ay si Titser Annie. Isa sa tinuturuan ni Titser Annie ay nagngangalang Dina. Hindi sumusuko si Dina hanggang sa unting unting natuto ito.
Sa araw na iyon hindi tinapos ni Dina ang kanyang klase at umuwi dahil may sakit ang kanyang Ina. Nang namatay ang kanyang tatay siya na ang tumayong ama at ina sa kanyang kapatid kahit tatlong araw lang siya pumasok sa paaralan sa loob ng isang linggo. Siya ay nagtatrabaho para makatulong siya at bumili siya ng gamot para sa kanyang Ina. Kahit mainit at mabigat ang kanyang dala niyang saging, Siya ay dumaretso padin papuntang Kamali o ang bentahan ng saging. Kumita siya ng 144 pesos para maipabili ng gamot. Siya ay naglalakad ulit papuntang parmasya para makabili ng gamot. Binili lahat niya ng gamot ang kayang pera, dalawang gamot lang ang kanyang naibili sa kanyang Ina.
Si Titser Annie ay inoperan ng nakakataas ngunit tumanggi siya at patuloy siya sa sityo Labo. Kasi iba na ang pakiramdam niya sa mga mangyan kasi naiwan niya ng responsibilidad. Hindi siya mayaman pero siyang impormasyon at meron din siyang dalang pagasa na salita. Siya ay mahirap sa salapi pero mayaman sa malasakit
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento