"Kasaysayan ng paaralan ng San Agustin"
Ang paaralan ng San Agustin sa Tanza ay ipinangalan sa patron ng lugar na si San Agustin o mas kilala sa pangalang Tata Usteng. Ang paaralan ay nabuo noong ika - 14 ng Pebrero 1969 sa pamamagitan ni Monsignor Francisco V. Domingo, ang pari sa lugar noong panahong iyon. Ang paaralan ay nagbukas noong Hunyo sa taong nabanggit. Ang sistema ng edukasyon dito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng De La Salle at sa unang taon ng pabubukas nito ay naging matapat ito sa kanilang mga layunin at pangitain nito. Mula sa dalawang guro at apatnaput-apat nitong estudyante ay nakita ang biglang paglaki ng paaralan. Noong ika - 1971 naman ay nabuo ang bagong gusali para sa mga estudyante ng highschool at natapos ito noong 1972 at nasunod naman ang palaruan ng basketbol. Ang unang punong - guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na nagsilbi ng dalawang buwan sa paaralan saka siya pinalitan ni Sr. Clemencia Ranin. Noong umalis naman si Ranin ay pinalitan siya ni Sr. Matilde noong 1971 at nanatili sa loob ng dalawang taon saka sumunod si Sr. Ma. Leonora para sa punong - guro ng elementarya sa taong 1972 - 1973. Ang kasalukuyang punong - guro ng paaralan ay si Mercedita P. Pacumio. Ang kasalukuyang logo na ginagamit ng paaralan ay ginawa pa ng estudyante ng paaralan sa taong 1988 kasama si Mr. Justo R. Cabuhat bilang tagapayo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento