Lumaktaw sa pangunahing content

Output #6 ni Raelyn F. Fojas

Output #6

"Di Ako Bibitaw" 

Tandang- tanda ko pa noong una,
Sa tuwing naririnig ko ang iyong pangalan ako'y kinikilig na
NA tila ba may mga bituin sa aking mata 
Dahil ang pagkinang ng mga ito ay walang hinto sa tuwing naiisip ka
Nawala lahat ng takot sa puso ko
Dahil ikaw ang nagsasabing kumapit pa sa tuwing ako'y pabitaw na
At nagpapaalalang "Kaya Mo Yan" sa tuwing ako'y nawawalan na nang pag-asa
Ikaw, Ikaw yung nagparamdam sa akin na kaya ko, na malakas ako
Dahil doon naniwala ako na ikaw na ang bubuo sa minsa'y nagkapiraso- piraso kong mundo
At oo naniwala ako na ikaw at ako ay talagang pinagtapo

Pero bakit parang dumating sa punto na parang iba na? 
Wala nang gana, wala na yung dating inspirasyon na sayo'y nagmumula
Wala nang kislap sa tuwing tayo'y nagkikita
Napaisip ako, sino ba ang lumayo at sumuko? 
Ikaw ba? Ako? O tayo?
At inisip ko, inisip ng inisip, paulit- ulit
At saka sinabing talaga nga atang malayo at malabo ang tayo
At doon bumalik lahat ng takot

Mula noon napariwara ako, na maging tiwala ko'y naglaho
Ni hindi ko na nakilala ang sarili ko
Sa paglayo mo ay ang akin ring paglayo
Na dumating sa punto na parang gusto ko nalang itiggil ang pag-ikot ng mundo 
Dahil sa ika-sampung pagkakataon puso ko'y nagkapira-piraso

Pero hindi , hindi dahil sa oras na ito babangon na ako
Ngayon babangon ako, pipilitin kong tumayo mula sa pagkakadapa sayo 
Pilitin mo man na tumakbo at lumayo na ay hindi ko hahayaan pa
Lalapit at lalapit ako, tatakbuhin kahit gaano kalayo 
At hindi ko hahayaang ika'y maglaho 
Dahil oo, tama ang naririnig mo ngayon naniniwala na ako
Naniniwala na ako sa sarili ko, naniniwala na ako na ikaw ay para sa akin
Na dadating ang araw ang pangalan mo ay nakadikit na sa pangalan ko
Na balang araw tatawagin nalang akong inhinyero
At sasabihin ko, sasabihin ko sa sarili ko na naabot ko na ang mga pangarap ko 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Sulatin #4 ni Raelyn Fojas

Sulatin #4 1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag- unawa?           - Ang kahulugan ng posisyong papel batay sa aking naintindihan ay ito ay nilalaman o may paksa base sa kung anong pananaw ng isang awtor sa isang isyu. Makikita rito ang mga argumento ng manunulat. Nilalaman ito ng mga ebidensya na magpapatunay o magbibigay- diin sa panig ng awtor. 2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?           - Ang paglatag ng mga argumento sa posisyong papel ang magbbibigay daan upang mas maging malinaw ang pinupunto ng awtor. Ito rin ang magdadala sa mga mambabasa upang pumanig sa inilalahad ng manunulat. Mas magiging makatotohanan kung may mga datos na makakapagpatunay o makakahikayat. 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?           - Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay a...