Output #7
"Smoking Ban"
"Smoking Ban"
Laganap ang paggamit ng sigarilyo sa ating bansa na nakaaapekto sa kalusugan ng isang indibidwal at maging sa kalikasan kung kaya't ang pagbabawal sa paninigarilyo o "Smoking Ban" ay nararapat lang na maipatupad.
Kahit labag sa loob ng mga taong naninigarilyo, marapat lang na ipatupad ang "Smoking Ban" sa Pilipinas sa maraming kadahilanan. Isa na rito ang kadalahilanan ito'y lubhang nakakamatay. Sa bansang China halos 200- milyong tao ang namamatay sa nakalipas na isang dekada. Ayon kay Philip Tubeza, isang manunulat sa Philippine Inquirer ang paninigarilyo ay pumapatay sa sampung Pilipino sa bawat isang oras na nagdadaan. Ito ay marahil sa mga sakit na pwedeng makuha sa pannigarilyo tulad ng kanser, sakit sa puso, sakit sa baga at iba pa.
Ang masama pa ay hindi lang ang gumagamit ng sigarilyo ang naapektuhan nito ngunit maging ang mga nasa paligid nito o ang tinatawag na "Second hand smoker". Tulad nalang ng isang "Youtube Sensation" na nagngangalang Jam Sebastian na noong taong- 2015 ay nag-agaw buhay dahil sa "lung cancer". Isa sa naging dahilan ng kanyang sakit ay ang pagiging second hand smoker.
Higit pa doon ang paggamit ng sigarilyo ng mga Pilipino ay nag-uuwi ng kalugihan sa ekonomiya. Ayon ulit kay Philip Tubeza, noong taong- 2011 ay halos nasa 500 bilyon ang nawala sa bansa dahil sa paggamit ng sigarilyo. Sinasabi na kung ito'y patuloy na lumago ay tataas at tataas ang bilang nang mawawala sa ekonomiya ng bansa. Masasabi talaga na hindi talaga ito nakakatulong sa pag- unlad ng bansa.
Marami talaga ang naidudulot na masamang epekto sa kalusugan, bansa at maging sa kalikasan ang paninigarilyo. Hindi lamang ito basta basta na isyu na dapat ipagsawalang bahala. Ang ganitong klaseng isyu ay dapat bigyang- diin at pansin.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento