ANg layunin ng pananaliksik na ito ay para magkaroon ng sapat na kaalaman at upang mabatid ng mga mambabasa ang naging karanasan at pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na salik: Emosyonal, Ispiritwal, Mental, Pinansyal, Relasyon, at Sosyal. ang ganitong klaseng pananaliksik ay dumadaan sa isang Quantitative Method at ginamiatn ito ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga nakuhang respondante ay pinili manananaliksik base sa ibinigay na record ng alaminos, laguna. ang ginamit ng mga mananaliksik na instrumento ay serbey, na may bilang na tatlompo't lima na mga respondante. ang mga ito ay may edad na labing dalawa hanggang labing walong gulang na mga batang ina. base sa datos ng impormasyon na ito, mas maraming tumigil sa pagaaral kesa sa ipagpatuloy ito. mahigit nasa tatlompo ang hindi na pumasok. ayon sa nakatala sa nilalaman, mas maraming nabuntis noong nasa edad na 17-18 at ang pinaka kaunting nabuntis ay nasa edad 13-16. ang iba sa kanila ay ikinasal sa ama ng kanilang anak, at iyong iba ay nanatili paring walang asawa pero may anak. ayon sa luamabs na resulta ay walangpagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag ginrupo sa antas ng huling pag-pasok at edad ng unang panganganak.
Journal #2 Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel. Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo. Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama. Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran. 2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento