TITSER ANNIE
Si titser annie ay labing apat na taon na nagtuturo sa isang pribadong eskwelahan. inilipat siya sa sitio labo upang magturo. bago ka makarating sa eskwelahan ng sitio labo ay kailangan mo muna maglakad, may madadaanan kang mga bundok at ilog, may labing anim na ilog kang kailangang tawirin upang marating mo ang eskwelahan. Sa kanilang paglalakad ay may nakasabay silang mga batang mangyan, ng matapos ulit ang isang oras medyo natatanaw na nila ang komyunidad na kung saan nakatayo ang paaralan at ang ibang kabataan ay doon na nainirahan. Pag dating ni titser annie sa paaralan na iyon ay halos mapawi ang kaniyang pagod ng masilayan niya ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante niyang mangyan. dalawang taon na siya nagtuturo sa sitio labo, at sa tagal na iyon ay naranasan niya na mabuhay ng walang kuryente sa pagtuturo. at hindi ka magkakaroon ng tubig kung hindi ka magiigib, subalit sa kahirapang iyon natuto parin ang mga kabataan na magbigayan, katulad nalang na hindi nila uubusin ang pagkain hanggat hindi nakakakain ang lahat.
tinuturuan din nila titser annie ang ibang matatanda upang matuto wala itong dagdag sa kanilang sweldo dahil kusa nila itong ginawa. Dahil sa bait nito, madali nilang nakuha ang loob ng mga manyan, bata man o matanda. Kung noon ay takot ang mga ito sa dayo ngayon ay panatag na ang mga loob nito. Ang tinuturuan ni titser annie ay nasa baitang apat, lima, at anim ito ay sabay sabay niya tinuturuan, ang sumunod naman ay nasa baitang isa, dalawa at tatlo. Ang pinaka matanda sa mga ito ay si Dina na nasa labing siyam na taong gulang.
Hindi sumuko si titser annie na turuan ang dalaga kahit sa paningin ng iba ay imposible na ito matuto. habang nasa klase si Dina ay nagmadali itong lumabas at hindi na tinapos ang klase. Pumunta ito sa kanilang bahay at doon natagpuan ang halos dalawang taon ng may sakit na kanyang nanay na si Vilma. Ilang beses na itong dinala sa doktor subalit hindi sila makabili ng gamot, bukod sa kakulangan ng pera, malayo ang bilihan nito. Noong namatay ang kanyang amaay siya na ang nagsilbing ina at ama ng kanilang bahay. Sa isang linggo tatlong beses lamang siya napasok, dahil pinagsasabay niya ang pagaaral at pagtatrabaho, sa kabila nito ay nakukuha parin niyang ngumiti sa gitna ng hirap. Magsasaging ang kanyang trabaho, halos pagod at hirap ang kaniyang nararanasan. Dalawang oras na lakaran ang kailangang gawin bago makarating sa bentahan ng kanilang produkto.
Sa halos higit dalawang oras na lakaran ay isang daan apat naput apat lamang ang kaniyang kinita. Dalawang antibiotic lamang ang kasya roon at wala ng natitira para sa pagkain.
Natapos na ang pagtuturo ni titser annie sa sitio labo at maaari na siyang tumaas sa kanyang posisyon. Ngunit hindi siya pumayag at mas piniling magturo sa kabataang mangyan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento