OP #3
"TITSER ANNIE"
Maraming tao ang abala sa lungsod, abala sa iba't ibang gawain sa paaralan man o maging sa opisina. Pero sa kabila ng mga nagliliwanag na haligi at maingay na paligid sa lungsod, atin namang silipin kung ano nga ba ang estado ng edukasyon sa mga kabundukan.
Si titser Annie ang naatasan ng Departamento ng Edukasyon na magturo sa isang grupo ng mga mangyan, paaralan sa isang lugar na kung tawagin ay sityo labo. Dito makikita ang iba't ibang batang mangyan na determinadong matuto. Baks rin sa kanikang mukha ang hirap na dinaranas ng mga taong mangyan sa kanilang lugar. Makikita rin dito ang pasan-pasang hirap ng buhay dahil sa liblib at makipot na lugar. Bago ka makapunta sa sityo labo kailangan mong maglakad at tumawid sa labing anim na ilog. Mula kinder hanggang ikatlong baitang ang sabay-sabay na tinuturuan ni titser annie at mula baitang apat hanggang anim naman ang sabay na tinuturuan ni Titser Annie. Bago matapos ang araw libreng naghahandog ng pagtuturo si Titser Annie para sa mga matatandang hindi marunong sumulat o bumasa.
Si Dina ang isa sa mga tinuturuan ni Titser Annie. Siya ay nasa baitang na kinder. Araw- araw niyang pinagsasabay ang pag-aaral ang pag-tatrabaho sa sagingan dahil sila ay maagang naulila sa kanilang ama. Siya narin ang tumatayong nanay at tatay sa loob ng kanilang tahanan dahil mayroong sakit na pneumonia ang kanyang ina. Sa isang linggo dalawang araw lang pumapasok si Dina sa paaralan upang matuto. Dalawang oras umaakyat at bumababa si Dina sa bundok upang kumuha ng sanga ng saging at ito ay kanyang binebenta sa mga mangangalakal at siya ay kumikita ng 144 pesos. Ito ay sapat lang para sa dalawang pirasong gamot ng kanyang ina. Sa katagalan napamahal narin si Titser Annie sa katutubo dahil hindi mababayaran ang aral na ibinahagi niya sa mga katutubo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento