OP#4
"Kasaysayan ng paaralan ng San Agustin"
Ang paaralan ng San Agustin ay pinangalan sa isang patron ng tanza na si San Agustin na mas kilala sa tawag na Tata Usteng. Itinayo ang paaralang ito noong ika-4 ng Pebrero taong 1969 sa pangunguna ng dating pari ng Tanza na si Monsignor Francisco V. Domingo. Paaralan ng nangagarap na magbigay ng isang natatanging edukasyon at katolikong edukasyon para sa mga kabataan. Ang pagbubukas nito ay ginanap noong Hunyo taong 1969 at nagbukas para sa mga baitang kinder at baitang isa.
Pagkatapos ng isang taon, naitayo ang pangunahing gusali katabi ng kaliwang bahagi ng simbahan. At noong taong 1971, nagtayo muli ng isa pang gusali para naman sa sekundarya. At iyo ay natapos noong 1972 at sumunod naman dito ang palaruan o basketball court.
Ang unang punong guro ng paaralan nh San Agustin ay si Ginoong Angeles Gabutira. AR. na naglingkod sa paaralan ng dalawang buwan bago si Ginoong Clemencia Ranin ang pumalit. Noong umalis si Ginoong Ranin, pinalitan siya ni Ginoong Matiblle noong taong 1971 na tumagal ng dalawang taon. Si. Ma. Leonora ang nagsilbing punong guro ng elementarya noong 1972-1973 at si binibining Patrochio San Juan ang pumalit noong 1973-1973. Hanggang ngayon patuloy na nagbibigay ng kuwalidad na edukasyon ang paaralan ng San Agustin na kasulukuyang nagkaroon na ng Senior Highschool Annex Campus malapit sa pangunahing paaralan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento