Lumaktaw sa pangunahing content

Output#6 (Mid/SpokenPoetry) Ni Ma.Fatima Prudente

AKALA


Akala ko ang lahat ng Pag-ibig ay puno ng saya, 
Ang Pagiibigang puno ng sigla,
Sigla na kung saan naging puno't dulo ng isang pansamantala at unti-unting pagdurugo.
AKala ko ang saya ay hindi mapapalitan ng lunkot,
pero napatunayan ko na ang saya , ay kapatid nga pala ng lungkot,
Simulan natin sa mga gabi, sa gabi ng pagsuyo na tila mo'y alaga sa pagmamahal,
pagmamahal na di kalaunay humantong sa pagtulog ng mahimbing na di man lamang nagbabati,
habang kayakap ang mga unan sa gabi at ang luha'y naguunahan sa pagtulo at tanging dingding at kisami lamang ang nakaksaksi ng aking pighati, 
wala, wala ng ibang magawa kundi ang mga luha sa mata'y punasan
Akala ko iba ka sa lahat, OO sa lahat, sa lahat nag ipinadanas mo mayrrong pinakamasaket,
ilang eses kong hiniling ang pagsuyong sa una ko lamang nakamit,
ilang beses ko inilabas ang mga luha kong  may paghihinagpis, na OO akala ko nanaman, na akal ko kapag inantay kita sa hating gabi muli tayong magbabati, OO akala ko lang ulit na babalik ung dati kong pagibig, pagsuyo'tpagmamahal na mula sayo,
at sa pagtatapos ng akala, mahal kita, OO mahal kit! at mamahalin pa kita, hindi na ako naghahangad na maibalik pa ulit, na maibabalik pa yung kahapon na puno ng sigla, na kuntento na ang pakiramdam na sana, na sana hindi na ito aka, dahil ayokona umasa sa mga salita. na sa libro ko lamang nababasa, sana sumaya tayo sa kung paano tayo nagsimula dahil sa storyangito walang wakas, walang wakas ang makakapagtapos sa storya nating dalawa.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Sulatin #4 ni Raelyn Fojas

Sulatin #4 1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag- unawa?           - Ang kahulugan ng posisyong papel batay sa aking naintindihan ay ito ay nilalaman o may paksa base sa kung anong pananaw ng isang awtor sa isang isyu. Makikita rito ang mga argumento ng manunulat. Nilalaman ito ng mga ebidensya na magpapatunay o magbibigay- diin sa panig ng awtor. 2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?           - Ang paglatag ng mga argumento sa posisyong papel ang magbbibigay daan upang mas maging malinaw ang pinupunto ng awtor. Ito rin ang magdadala sa mga mambabasa upang pumanig sa inilalahad ng manunulat. Mas magiging makatotohanan kung may mga datos na makakapagpatunay o makakahikayat. 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?           - Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay a...