"Eroplanong Hugis Puso:
Sabi mo sakin noon, ako ang magsisilbing piloto sa biyahe ng buhay mo. Ako ang magadadala sayo sa mga lugar na pinapangarap mo. Hinding hindi ko rin makakalimutan yung mga katagang " Pangako hindi kita iiwan" Mga salitang hanggang sa ngayon patuloy kong pinanghahawakan Marami-rami narin tayong lugar na napuntahan kasama yung nag-iisang eroplanong ating sinasakyan Pero bakit habang tayo ay nasa kalagitnaan Para tila lumihis yung eroplanong ating sinasakyan Dahil mukhang hindi ito yung lugar na nais nating puntahan Napadpad tayo sa kugar na hindi natin inaasahan Lugar na kung saan walang kasiguraduhan Kung mayroon pa nga bang patutunguhan Bakit Ganto? Anong lugar ito? Nasaan tayo? Mga tanong na nabuo sa isipan mo Bigla kong naalala ako nga pala yung piloto Nakakapagod din pala magpalipad ng eroplano Akala ko nung una masaya pero nakakasawa rin pala yung palaging ganto Mukhang eto na yung hudyat na kailangan na nating itigil ito. Ayoko na, tama na, itigil na natin ito Nakakapagod ng maging piloto at ikutin ang buong mundo Mga salitang nabuo sa aking isipan Na akala ko ito na ang katapusan Nagbago ang lahat nung minsan mo akong nilapitan At ating binalikan yung mga masasayang karanasan Naisip ko, Marami pa pala tayong lugar na pupuntahan Dahil sa dalawang taon na nating paglalakbay Marami pa tayong hindi napapatunayan Ako ang magsisilbing piloto. Ay mali tayo ang magsisilbing piloto Sa nag-iisang eroplanong tayo mismo ang bumuo
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento