May pagkakataon na hindi natin namamalayan na tayo ay nakagawa ng isang sulatin o talumpati. Ang talumpati ay ang pagpapahayag ng iyong saloobin ukol sa isang paksa na ibinabahagi rin sa iba. Ang talumpati ay maaring maging pormal tulad ng tradisyunal o di- pormal tulad ng spoken poetry. Sa tradisyunal na talumpati na aming napanuod ito ay may kahulugang malasakit at pagmamahal sa bayan o ang nasyonalismo. Ang marapat na bigyang pansin sa paksa ay kung paano dapat ituring ng mga Pilipino ang kanilang sariling bayan. At dahil ito ay tumatalakay sa mga Pilipino dapat ang mga makikinig ay mga kapwa Pilipino dahil sila ang higit na makakaunawa nito. Kung mapapansin ang talumpati ay maayos na ipinapahayag o ito ay pormal na ibinabahagi sa mga tagapakinig. Masisiguro ng isang mananalumpati ang pagpukaw sa mga nakikinig kung patuloy niyang gagandahan ang pagsasalaysay tulad nalang ng gina...
Group 6 Filipino 12 STEM 2