Lumaktaw sa pangunahing content

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

1. Pamagat ng Paksa: 
       - Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
2. Mananaliksik: 
       - Graziel Ann Ruth Latiza ang ngalan ng mananaliksik ukol sa Internship. 
3. Institusyon: 
       - Ang institusyon na kinabibilangan ng mananaliksik ay Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lugsod Quezon. 
4. Mahahalagang Impormasyon ng Pag-aaral:
       - Ang mga mahahalagang impormasyon ng pag-aaral ay kung anong mga hangarin at layunin ng pananaliksik. Isa rin ang proseso ng pag- buo ng pag- aaral. Mahalagang impormasyon din ang pagbanggit ng etika ng mga doktor tungo sa mga tao o sa mga kasamahan sa loob ng ospital. Ang pagsabi ng awtor tungkol sa partikular na ugali ng mga Pilipino ay isa rin sa mahalagang punto na maaaring makatulong sa buong pag-aaral o pananaliksik. 
5. Kahalagahan ng Pag-aaral:
       - Ang kahalagahan ng pag-aaral ay makakatulong ito sa kapwa nating Pilipino upang mamulat sa mga pangyayari sa loob ng isang typical na ospital kung paano ang pakikisama ng mga propesyonal at ang mga pagkatao o etika ng mga doktor. 

1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?

       - Ang abstrak na halimbawa ng mga nag-ulat ay tungkol sa nasyunalistang pagsipat sa programang K to 12, ito ay may layunin na suriin ang programa batay sa kaisipan ni Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Renato Constantino. Samantalang ang paksa naman sa halimbawang abstrak sa libro ay tungkol sa mga etika ng mga doktor. 
2. Bukod sa nilalaman ano ang pagkakaiba ng dalawang abstrak na binigay sainyo ng mga nag-ulat at nasa libro?
       - Kung paghahambingin ang dalawang halimbawa mula sa libro at nag-ulat makikita na mas detalyado ang nasa libro, hindi siya basta maiintindihan dahil ang struktura at mga salitang ginamit ay komplikado samantalang ang halimbawa mula sa mga nag-ulat ay mas madaling maintindihan ang nilalaman nito. 
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan? 
       - Para sa akin ang abstrak na higit kong naunawaan ay ang mula sa mga nag-ulat sapagkat ang kanilang struktura ng abstrak ay mas madaling maintindihan kaysa sa halimbawa na nasa libro. Kung kaya't para sa akin ay mas naunawaan ko ang mula sa mga nag-ulat.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Output # 5 ni David Luna (Finals)

(RESUME) Luna, David Jonah Q. Blk 12 Lt 7 Hauskon Homes Julugan 6 Tanza, Cavite Email: davidluna0328@gmail.com Institusyon Tinapos Petsa Adamson University Bachelor of Science in Information Technology Abril 2022 Saint Augustine School Senior High Abril 2018 Saint Augustine School Sekundarya Abril 2016 Saint Augustine School Elementarya Abril 2012 Mga Layunin sa Buhay Masipag at kayang gumawa kahit sabay-sabay (multitask) Responsable at Disiplinado Tapat at Masunurin Kayang matapos ang mga pinapagawa sa tamang oras Mga karangalang natamo Sports Awardee noong hayskul Kampeon sa Spelling Bee Contest Mga Samahang Kinabibilangan Varsity sa larong Sepak Takraw (2012-2016) Miyembro ng Computer Hardware Servicing (2014-2016) Science Club (2016-2017) Finance Club (2017-2018) Sanggunian      Ms. Lorraine Bunag      Guro ...