Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2018

Journal #2 ni Kertz Henrich Gajete

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel. Kailangan na maging maliwanag at maayos ang pagpapaliwanag. Hindi dapat na gawing kalokohan ang pagsusulat at kailangan ay amay lamang impormasyon na makatutulong. At nagkakaroon ng makabuluhang maidudulot sa makababasa. 2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyong papel.  Nagkaroon nang paninindigan sa bawat mga salitang sinasambit. Kailangan na may ibidensya ang mga impormasyong ipinapaliwanag at maging maliwanag ang bawat salita. 1- ibigay ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa Kailangan ay mayroong paninindigan at magaling na maipahayag ang katayuan.  Bakit mahalaga malaman ang tamang paraan ng pagsulat ng posisyong papel?         - Para maging maayos at kapanipaniwala ang ipinaglalabang argumento at maipahayag nang may paninindigan.

Sulatin #5 ni Kertz Henrich Gajete

Sulatin #5 1. Ano ang isyung binibigyang- diin sa posisyong papel?    - ang isyung binibigyan ng diin ay ang paggamit ng wikang Filipino upang mabilis na matutunan ang mga pinapahayag ng paksa. 2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?    -inilahad ito ng maayos at magalang upang mailahad ang opinyon. 3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano- ano ang mga ito?    -ang paggamit ng wikang Filipino upang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo. 4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?    -na ang paggamit ng wikang Filipino ay magagamit sa iba't-ibang asignatura. 5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?    -para sa akin kailangan nating gamitin ang wikang sariling atin dahil mas madali naman nating itong maintindihan.

Sulatin #4 ni Kertz Henrich Gajete

Sulatin #4 1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag- unawa?    - ito ay parang pagbibigay ng opinyon sa isang paksa, at nagbibigay ng impormason batay sa kanyang opinyon o argumento. 2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?    - para magkaroon ng mga palitan ng opinyon para mas maintindihan pa ng maayos ang argumento. 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?    -kailangan ay may paninindigan at makatotohanan. 4. Ano- ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?    -para maging maayos at naiintindihan ang pakikipagusap at magkaroon ng iba't-ibang taktika sa pagsasalita. 5. Mahalaga bang isaalang- alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Output #5 ni Raelyn Fojas

Output #5 Si Raelyn Feleo Fojas ay kasalukuyang tinatapos ang ika- 12 na grado sa Paaralang San Agustin Senior Highschool. Nagtapos siya ng sekondarya sa Paaralang San Agustin na may mataas na grado. Siya ay may kaalaman sa larangan ng drafting. Naging bahagi rin siya ng pahayagang papel ng paaralan at iba't ibang organisasyon ng kanyang pinasukan noong siya ay sekondarya. Mataas ang kanyang hangarin na makapagtapos ng pag-aaral at maging inhinyero. 

Output #4 ni Raelyn Fojas

Output #4  "Paaralang San Agustin"                 Ang paaralang San Agustin ay hango mula sa patron ng bayan ng Tanza na si San Agustin o mas kilala sa ngalan na "Tata Usteng". Ito ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero taon 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo. Ito ay opisyal na binuksan noong Hunyo 1969 sa pamumuno ni Sr. Angeles Gabuti na sinundan ni Sr. Clemencia Ranin.                   Napailalim sa superbisyon ng De La Salle ang paaralang San Agustin. Matapos ang magandang resulta nang unang taon, ang mula sa 44 na estudyante at dalawang guro ay nakapagtayo na ng establishmento para sa primarya. At noong 1971 ay muling nakapagtayo ng establishmento para sa sekondarya na nasundan ng basketball court. Noong matapos ang pamumuno ni Sr. Ranin ay sinundan naman ito ni Sr. Matilde noong 1971- 1972, Sr. Ma. Leonora sa elementarya noong 1972- 1973. Noong 1973- 1976 ay si Bb. Patrocin...

Output #3 ni Raelyn Fojas

Output #3 "Titser Annie"                   May isang sitio sa Mindoro na nag-ngangalang Labo. Malayo ito sa kapatagan at kabihasnan kung kaya't hinti ito ganoong naaabot ng edukasyon. May dalawang guro sa sitio na ito at isa sa kanila ay si titser Annie Masongsong, siya ay 14-taon na nagturo sa pribadong eskwelahan at ngayo'y nasa ikalawang taon ng pagtuturo sa mga Mangyan. Si titser Annie ay nagta-tyaga maglakad ng mahigit isang oras at dumaan sa 16 na ilog makapagturo lamang.                            Sapagkat dalawa lang silang guro, pinagsasama-sama nila ang mga baitang at sabay- sabay na tinuturuan. Isa sa mga mag-aaral ng kinder si Dina, dalawampung taong gulang. Dalawang taon ng may sakit ang kanyang ina at pumanaw na ang kanyang ama kung kaya't hindi siya mapalad na nakakapag-aral araw-araw. Si Dina ay nagtatrabaho upang kumita ng pera para sa kanyang i...

Output #2 ni Raelyn Fojas

Output #2 "Dahilan ng Ilegal na gawain ng mga Pulis"                  Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagkakasangkot ng mga kapulisan sa mga ilegal na mga gawain. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang dahilan ng pagkakasangkot ng kapulisan sa ilegal na gawain, paano nakaaapekto ang pagkakasangkot ng kapulisan sa ilegal na gawain sa kapwa kapulisan at saloobin ng ibang kapulisan na hindi sangkot sa ilegal na mga gawain, sa tulong ng mga pananaw ng mga mag-aaral ng BP. Pueblos Senior High School. Upang maisagawa ang pananaliksik gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyoner at mga dyornal at pahayagan na hango sa mga aklatan. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng pagta-tally at pagkuha ng porsyento. Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon, ang isa sa dahilan ng pagkaka-sangkot ng mga kapulisan sa illegal na gawain ay pinansyal, isa rin sa dahilan ay ang mga pa...

Output #1 ni Raelyn Fojas

Output # 1 "Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang- kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw."             Nakakita ka na ba ng sulating walang paksa o tema? Malamang ay hindi pa sapagkat ang bawat sulatin ay binubuo ng paksa, tema, layunin o mga kasagutan na nais mabigyang pansin o na nakaukol sa paksang tinatakay sa sulatin, ito ay ang paksa sa isang sulatin na nabibigyang kasagutan. Ang isang sulatin ay hindi maaring mawalan ng paksa dahil kung walang paksa ay walang saysay ang isang sulatin o hindi ito matatawag na isang sulatin. Isa lang iyon sa dahilan kung bakit ang paksa ay mahalaga sa isang pagsulat.              Maaaring alam na natin na ang paksa ay mahalagang parte ng isang sulatin. Ngunit hindi ibig sabihin na kung ang mga mag-aaral ay may iisang paksa ay pare-pareho na sila ng ideyang kalalalabasan o ang magiging resulta n...