Output #2
"Dahilan ng Ilegal na gawain ng mga Pulis"
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagkakasangkot ng mga kapulisan sa mga ilegal na mga gawain. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang dahilan ng pagkakasangkot ng kapulisan sa ilegal na gawain, paano nakaaapekto ang pagkakasangkot ng kapulisan sa ilegal na gawain sa kapwa kapulisan at saloobin ng ibang kapulisan na hindi sangkot sa ilegal na mga gawain, sa tulong ng mga pananaw ng mga mag-aaral ng BP. Pueblos Senior High School. Upang maisagawa ang pananaliksik gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyoner at mga dyornal at pahayagan na hango sa mga aklatan. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng pagta-tally at pagkuha ng porsyento. Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon, ang isa sa dahilan ng pagkaka-sangkot ng mga kapulisan sa illegal na gawain ay pinansyal, isa rin sa dahilan ay ang mga pagbabanta ng mga nasa taas na posisyon. Naging resulta rin ng pag-aaral na may epekto ang pagkakasangkot ng mga kapulisan sa ilegal na gawain sa kanilang reputasyon at sa tiwala ng mga tao sa PNP.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento