"Katatapos na MidTerm Exam"
Padating na ang nalalapit na midterm, Enero 17,18,19 taong 2018.Habang akoy nasa eskwelahan ay naiisip ko na mahihirapan ako sa midterm.Dahil ang aralin ay medyo nakakalito.Kaya akoy medyo kinakabahan na sa pagdating ng midterm.Akoy nagiisip na ng mga aking gagawin upang pumasa.Kinuha ang kwaderno at ballpen isinulat ang mga rereviewhin.Pagkadating sa bahay ay akoy nagbabasa ng mga libro.Minsan ay nakakaligtaan ko ang iba at hindi ko na maintindihan.Kaya akoy kumuhang makakain para bumalik ang mga nakalimutan ko.Ang mga mahihirap muna ang aking mga pinagtuonan ng pansin.Unti-unti kong iniintindi at binasa ang taimtim.Ngunit ang mga kaalaman nga akingnakalap ay parang lumilipad na sa aking utak.Magulo na at kung ano ano na ang naiisip.Dahil alam kong mahirapang mga test,nagpatulong ako sa aking mga kaibigan.Gumawa ako ng mga dapat tandaan upang mapadali ang aking pagsasagot.Pagdating ng simula ng midterm akoy kumain muna ng marami at nanghingi nga gabay mula sa itaas.Nagbasa ng kaunti at humiling sa kalangitan na akoy gabayan.Habang akoy nakaupo at kinakabahan habang hinihintay ang test paper.Akoy handa na at handa naring sumakit ang ulo.Akoy nagsimula na sa pagsagot,ang mga sagot ay lumulutang na sa aking isip at ang kailangan ko nalamang ay isipin nang mabuti.Masaya sa pakiramdam ang pagsasagot ng walang pangangailangan ngunit nagbabadya parin na magkamali ang mga sagot.Mahirap man kung isipin ang kailangan lang ay tiwala at pagasang malalagpasan ang bawat pagsubok na ito.Bastat magaaral ng mabuti at nagkakaroon nang lakas ng loob para harapin ito,malapit nang matapos ang oras sa pagsasagot.Huwag hayaang mawalan ng pagasa sa bawat oras ay kailangan nang magseryoso at gawin ang mga kailangan.Dahil sa dulo ay makakamit mo MidTerm Exam.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento