Field Trip
Minsan lang natin maranasan ang fieldtrip, minsan kapag sobrang kapos tayo hindi nalang tayo nasama para iwas gastos. Kahit gaano pa kasaya ito wala tayo magagawa kung kapos talaga tayo.
Dito sa filedtrip na ito madami kaming napuntahan, may ibang hindi nakasama at mas madami naman ang nakapunta. Itong lugar na ito ay sa enchanted kingdom. Minsan lang ako makapunta dito, kung hindi ako sasama ng fieldtrip ay malabo akong makarating dito, kaya naman sinusulit ko ang pagkakataong ito. Madaming tindang pagkain at talaga namang nakakaaliw ang mga masasakyan dito. May mga kamahalan ang pagkain pero sulit na sulit. Buong araw kame kumain at sumakay sa mga rides hanggang sa nagkayayaan na magpahinga at intayin na lamang ang bus para umuwi, medyo may katagalan yon. Mga bandang 7:00 ay sumakay na kami. Mga ilang oras pa ang inantay dahil sa mga estudyanteng hindi pa narating. Talagang masasabi mong masaya ito at naramdaman kong napagod ako kaya sulit na sulit itong fieldtrip na ito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento