Lumaktaw sa pangunahing content

Output #2 ni R.R.E Falcon (FINALS)


 LAKBAY ARAL
(Lakbay Sanaysay)

            Gustong-gusto natin kapag mayroon tayong napupuntahang bagong lugar. Nasasabik tayo at namamangha dahil meron na naman tayong ala-alang hindi malilimutan.
            Isa sa mga lugar na napuntahan ko at hindi ko makakalimutan ang aking naging karanasan ay noong nagkaroon kami ng lakbay aral sa aming paaralan. Isa sa mga lugar na pinuntahan namin ay ang sikat na sikat na amusement park sa Enchanted Kingdom na matatagpuan sa lugar ng Sta.Rosa, Laguna. Pagpasok mo dito bubungad kaagad sayo ang mga naglalakihang rides gaya ng Disc-o-Magic at ang Ferris Wheel. Isa sa mga atraksyon sa lugar na ito ay ang Rio Grande na panigurado ay mababasa ka at ang makapilig hininga na Space Shuttle na kung saan papaikot ikutin ka sa ere. Isa din sa nasakyan ko ditong rides na hinding hindi ko makakalimutan at sa tingin ko na hindi ko na uuliting sakyan ay ang Extreme dahil mula sa baba ay itataas ka ng napakataas na halos tanaw muna ang buong lungsod ng Sta. Rosa at walang sabi-sabi ay bigla ka nitong ibabagsak pababa na halos maiwan ang iyong kaluluwa sa ere.
            Isa sa mga naging masaya kong karanasan ang pagpunta sa mga amusement park. Mas hindi mo makakalimutan ang inyong lugar na pinuntahan kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay at sabay-sabay kayong gagawa ng ala-ala patungkol sa isang lugar. Ikaw, ano naba ang mga lugar na napuntahan mo?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...

Sulatin #1 ni Raelyn Fojas

Sulatin #1 1.  Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?             - Ang replektibong sanysay ay pumapkasa sa iba't iabng isyu o pangyayari. Dahil dito nalilinang ang kakayanan ng isang manunulat upang makapag- bigay katwiran, makapagsuri o maipakita ang kung anong kahalagahan ng isang sulatin. 2. Bakit kailangang gumamt ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?              - Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptibong wika ay magiging maayos ang pagsasalaysay ng replektibong papel. Ito ay mas magiging makatotohanan para sa mga mambabasa. 3. Ano- ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?              - Sa pagsulat ng replektibong papel ay hindi ka lang basta sulat ng sulat ng iyong saloobin marapat na meron kang tibay ng loob, matalino sa pag-isip ng gagamiting salita at kailangan ay p...

Sulatin #4 ni Raelyn Fojas

Sulatin #4 1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag- unawa?           - Ang kahulugan ng posisyong papel batay sa aking naintindihan ay ito ay nilalaman o may paksa base sa kung anong pananaw ng isang awtor sa isang isyu. Makikita rito ang mga argumento ng manunulat. Nilalaman ito ng mga ebidensya na magpapatunay o magbibigay- diin sa panig ng awtor. 2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?           - Ang paglatag ng mga argumento sa posisyong papel ang magbbibigay daan upang mas maging malinaw ang pinupunto ng awtor. Ito rin ang magdadala sa mga mambabasa upang pumanig sa inilalahad ng manunulat. Mas magiging makatotohanan kung may mga datos na makakapagpatunay o makakahikayat. 3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?           - Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay a...