Lumaktaw sa pangunahing content

Output # 4 ni Gk Esguerra

Output # 4 : Sintesis - Kasaysayan 


    Ang unang pribadong paaralan sa Tanza,Cavite ay ang Saint Augustine Scchool (SAS). Ang paaralang ito ay ipinangalan sa patron ng Tanza na si San Agustin o tinatawig din na Tata Usteng. Ang paaralang ito ay itinatag ni Monsignor Fransico V. Domingo noong Pebrero 14 1969.

    Ang eskuwelahan na ito ay nagbukas noong Hunyo taong 1969 at ang eskuwelahan na ito ay naghahandog lamang ng kinder at unang baitang. Ang sistema ng edukasyon ng SAS ay inilagay sa ilalim ng pangangasiwa ng De La Salle. Mula sa 44 na magaaral at dalawang guro at ang mga taon na sumunod ay nakita ang mabilis na pagunlad ng paaralang SAS. Pagkatapos lamang ng isang taon isang pangunahing gusali ang itinayo, sa kaliwang bahagi ng simbahan. Pagtapos sa taong 1971 nagsimula ang pagtatayo ng isa pang gusali para sa mga mataas na paaralan. Patuloy paring umunlad ang paaralang SAS, noong nagkaroon ng K-12 curriculum, nagtayo ng panibagong paaralan ang SAS dahil sa sobrang population

   Ang paaralang Saint Augustine School (SAS) ay naglalayong nang isang mabuting lingkod sa mga bata sa tulong ng edukasyon at sentro sa pagiging relihisyoso o maging sa simbahang Katoliko ng mga estudyante. Ang eskuwelahan na ito ay nagsimula lamang sa maliit na pundasyon hanggang sa lumaki ito dahil sa mga magagandang turo nito ng mga guro. Dahil sa ganda ng pananaw ng eskuwelahan, maraming mga bata ang pinagaral nang kani-kanilang mga magulang sa paaralang SAS, dahil dito higit na mahuhulog ang pagkatao nang mga bata dahil nakasentro sa Diyos, tapat at ang pakakaroon ng dedikasyon sa buhay na magaaral at makapag aral ng mabuti para sa kanilang nabubuong pangarap higit rin dito na nadidisiplina ng maayos ang mga estudyante kaya naman marami pang nahihikayat sa mga bata o magaaral na sa darating na Senior highschool ay dito narin sa paaralang SAS magaral.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Output # 5 ni David Luna

"BIONOTE"      Si David Jonah Quion Luna ay ipinanganak noong ika - 30 ng Disyembre sa taong 1999. Siya ay labing pitong taong gulang na. Siya ay anak nina Manuelito Preciado Luna at ni Imelda Quion Luna. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Block 12 Lot 7 Hauskon Homes Julugan 6, Tanza, Cavite. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa paaralan ng San Agustin sa Tanza at siya ay nasa ikalabingdalawang baitan na.      Siya ay mahilig sa numero kaya ang asignaturang kinawiwilihan niya ay ang Math, Geometry, Pre-Calculus, Calculus, Basic Calculus at Statistics. Siya rin ay mahilig mag kompyuter, magbisikleta at magmaneho ng kotse. Siya ay nakatanggap ng karangalan noong hayskul ng ikatlong gantimpala sa larangan ng Sepak Takraw. Siya ay nangangarap na makapagtapos sa kursong Information Technology.

Output#3 ni Ma.Fatima Prudente (Mid/Sintesis)

TITSER ANNIE    Si titser annie ay labing apat na taon na nagtuturo sa isang pribadong eskwelahan. inilipat siya sa sitio labo upang magturo. bago ka makarating sa eskwelahan ng sitio labo ay kailangan mo muna maglakad, may madadaanan kang mga bundok at ilog, may labing anim na ilog kang kailangang tawirin upang marating mo ang eskwelahan. Sa kanilang paglalakad ay may nakasabay silang mga batang mangyan, ng matapos ulit ang isang oras medyo natatanaw na nila  ang komyunidad na kung saan nakatayo ang paaralan at ang ibang kabataan ay doon na nainirahan. Pag dating ni titser annie sa paaralan na iyon ay halos mapawi ang kaniyang pagod ng masilayan niya ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante niyang mangyan. dalawang taon na siya nagtuturo sa sitio labo, at sa tagal na iyon ay naranasan niya na mabuhay ng walang kuryente sa pagtuturo. at hindi ka magkakaroon ng tubig kung hindi ka magiigib, subalit sa kahirapang iyon natuto parin ang mga kabataan na magbigayan, katulad...

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...