Lumaktaw sa pangunahing content

Output # 7 ni David Luna

     Ang droga ay isa sa pinakamalala at kasalukuyang problema na pinupuksa sa ating bansa dahil sa mga hindi magagandang bagay na naidudulot nito sa tao at sa ating bansa. Bukod sa naaapektuhan nito ang ating kalusuguan, unti-unti rin nalilinlang nito ang isip ng tao na nakatutulng ito pantawid sa anumang problema at nagreresulta ng kaadikan sa paggamit nito.

     Ang droga ay isang gamot na ginagamit sa ispesipikong uri ng sakit ngunit nakakaapekto at nakasasama ito kung madalas na natin itong ginagamit at dito na papasok ang pagkaapekto ng tao sa paligid mo nang hindi mo namamalayan. Mayroong bansa na legal ang paggamit ng droga dahil ito nga ay isang uri ng gamot na ginagamit para makapagpagaling ng sakit. Maraming krimen na ang nangyari na kasabwat ang droga sa kaparaanang adik at lulong sa ipinagbabawal na gamot ang taong gumawa ng krimen ayon sa medikal na pagsusuri. Hindi natin maikakaila na kahit ang mga sikat na artista ay gumagamit nito dahil nga nakakaadik ito. Kalimitan din sa mga gumagamit nito ay ang mga tambay, mahihirap at may malubhang problema sa buhay.

     Kahit na ang droga ay makakabuti kung gagamitin nang tama, ito ay nararapat na ipagbawal sa mga taong wala namang sapat na kaalaman sa tamang paggamit nito. Ito ay nararapat lang na ipagbawal sa ating bansa dahil iresponsable ang mga tao at mga taong gumagamit nito. Dapat na ang mga mayroon nito ay ang mga propesyonal na doktor lamang dahil alam nila ang tamang paggamit nito.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Output # 5 ni David Luna

"BIONOTE"      Si David Jonah Quion Luna ay ipinanganak noong ika - 30 ng Disyembre sa taong 1999. Siya ay labing pitong taong gulang na. Siya ay anak nina Manuelito Preciado Luna at ni Imelda Quion Luna. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Block 12 Lot 7 Hauskon Homes Julugan 6, Tanza, Cavite. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa paaralan ng San Agustin sa Tanza at siya ay nasa ikalabingdalawang baitan na.      Siya ay mahilig sa numero kaya ang asignaturang kinawiwilihan niya ay ang Math, Geometry, Pre-Calculus, Calculus, Basic Calculus at Statistics. Siya rin ay mahilig mag kompyuter, magbisikleta at magmaneho ng kotse. Siya ay nakatanggap ng karangalan noong hayskul ng ikatlong gantimpala sa larangan ng Sepak Takraw. Siya ay nangangarap na makapagtapos sa kursong Information Technology.

Output#3 ni Ma.Fatima Prudente (Mid/Sintesis)

TITSER ANNIE    Si titser annie ay labing apat na taon na nagtuturo sa isang pribadong eskwelahan. inilipat siya sa sitio labo upang magturo. bago ka makarating sa eskwelahan ng sitio labo ay kailangan mo muna maglakad, may madadaanan kang mga bundok at ilog, may labing anim na ilog kang kailangang tawirin upang marating mo ang eskwelahan. Sa kanilang paglalakad ay may nakasabay silang mga batang mangyan, ng matapos ulit ang isang oras medyo natatanaw na nila  ang komyunidad na kung saan nakatayo ang paaralan at ang ibang kabataan ay doon na nainirahan. Pag dating ni titser annie sa paaralan na iyon ay halos mapawi ang kaniyang pagod ng masilayan niya ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante niyang mangyan. dalawang taon na siya nagtuturo sa sitio labo, at sa tagal na iyon ay naranasan niya na mabuhay ng walang kuryente sa pagtuturo. at hindi ka magkakaroon ng tubig kung hindi ka magiigib, subalit sa kahirapang iyon natuto parin ang mga kabataan na magbigayan, katulad...

Output #6 ni Raelyn F. Fojas

Output #6 "Di Ako Bibitaw"  Tandang- tanda ko pa noong una, Sa tuwing naririnig ko ang iyong pangalan ako'y kinikilig na NA tila ba may mga bituin sa aking mata  Dahil ang pagkinang ng mga ito ay walang hinto sa tuwing naiisip ka Nawala lahat ng takot sa puso ko Dahil ikaw ang nagsasabing kumapit pa sa tuwing ako'y pabitaw na At nagpapaalalang "Kaya Mo Yan" sa tuwing ako'y nawawalan na nang pag-asa Ikaw, Ikaw yung nagparamdam sa akin na kaya ko, na malakas ako Dahil doon naniwala ako na ikaw na ang bubuo sa minsa'y nagkapiraso- piraso kong mundo At oo naniwala ako na ikaw at ako ay talagang pinagtapo Pero bakit parang dumating sa punto na parang iba na?  Wala nang gana, wala na yung dating inspirasyon na sayo'y nagmumula Wala nang kislap sa tuwing tayo'y nagkikita Napaisip ako, sino ba ang lumayo at sumuko?  Ikaw ba? Ako? O tayo? At inisip ko, inisip ng inisip, paulit- ulit At saka sinabing talaga nga...