Output # 8
"Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral"
Bilang isangg magiting na mag-aaral ginagawa ko ang lahat upang makapasa at makamit ang aking pangarap sa buhay.
Tandang-tanda ko pa noong nasa elementarya ako ginagawa ko ang lahat upang makapasa. Dati matataas na grado ang nakukuha ko at lagi akong nasa Top 3. Tuwing gabi kasi lagi akong nagaaral, nagbabasa at iba pa.
Noong tumungtong ako sa mataas na paaralan , napansin ko lang na parang andaming nagiba kasi dito andami kong pagsubok na dumating dahil nga nagbibinata na ako. Dumating dito ang aking mga tropa at kaibigan. Dito din sa mataas na paaralan dumating o nahanap ang una kong mahal. Ang dami dami ko talagang pagsubok noon dahil meron ang akong mahal, Alam naman natin kapag may mahal tayo ay meron ding problema so ayun parang nakasira din sa aking pagaaral bumaba ng bahagya ang aking mga grado. So ayun tinigil ko muna magmahal at nagaral nalang ako ng mabuti at sa awa ng Diyos ako ay nakapasa at nakapagtapos ng mataas na paaralanan.
Ito na nasa Senior Highschool na ako pagpapatuloy ko pa ang aking pagaaral at gagawin ko ang lahat upang ako ay makapagtapos at tumungtong sa kolehiyo. Pagsisikapan ko ito at paghihirapan.
Kahit madami tayong problema sa ating buhay tuloy parin natin ang ating pagaaral wag tayong papaepekto dito. Bumawi tayo sa ating mga magulang dahil naghihirap din sila para pagaralin tayo, kaya pagsikapan din natin ito at pag hirapan na makapagtapos tayo, kaya wag tatayong susuko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento