Lumaktaw sa pangunahing content

Output#1 ni Ma.Fatima Prudente (Mid/ANgProsesoNgPagsulat)

"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw."

    Ang pagsulat ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't iabang larangan. mahalaga sa pagsulat ang paksa sapagkat dito natin natutukoy ang layunin ng ating pagsusulat. ito ay naangkop sa wastong pag gamit ng akademikong pagsusulat.
    Nakatutulong ang paksa, Tema at ibang katanungan sa mga magaaral. simula unang baitang ay sinasanay na tayo sa pagsulat at pagbasa. may kakayahan din tayo makisalamuha sa larangan ng pagsulat. kinasanayan na anting gumawa ng mga journal o talambuhay kahit nasa ikalawa o ikatlong baitang pa lamang. nagkakaroon tayo ng interes sa isang bagay na pinagmumulan ng ideya natin. mayroon tayong pananaw na nagpapatibay ng ating pagsusulat ng kwento. dahil sa pananaw na iyon, naipaguugnay-ugnay natin ang mga kaganapan, pangyayari at mga sitwasyon sa kwento. naiisaayos natin ito ng malinaw at naiintindihan ng mambabasa.
    Ang pagsulat ay isa sa paglalahad ng ideya o kaisipan batay sa naturang impormasyon. isinasanaysay nito ang bawat detalye ng kwento at bilang mag-aaral nay karanasan tayo sa pagsulat ng ating kwento.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Output # 5 ni David Luna

"BIONOTE"      Si David Jonah Quion Luna ay ipinanganak noong ika - 30 ng Disyembre sa taong 1999. Siya ay labing pitong taong gulang na. Siya ay anak nina Manuelito Preciado Luna at ni Imelda Quion Luna. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Block 12 Lot 7 Hauskon Homes Julugan 6, Tanza, Cavite. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa paaralan ng San Agustin sa Tanza at siya ay nasa ikalabingdalawang baitan na.      Siya ay mahilig sa numero kaya ang asignaturang kinawiwilihan niya ay ang Math, Geometry, Pre-Calculus, Calculus, Basic Calculus at Statistics. Siya rin ay mahilig mag kompyuter, magbisikleta at magmaneho ng kotse. Siya ay nakatanggap ng karangalan noong hayskul ng ikatlong gantimpala sa larangan ng Sepak Takraw. Siya ay nangangarap na makapagtapos sa kursong Information Technology.

Output#3 ni Ma.Fatima Prudente (Mid/Sintesis)

TITSER ANNIE    Si titser annie ay labing apat na taon na nagtuturo sa isang pribadong eskwelahan. inilipat siya sa sitio labo upang magturo. bago ka makarating sa eskwelahan ng sitio labo ay kailangan mo muna maglakad, may madadaanan kang mga bundok at ilog, may labing anim na ilog kang kailangang tawirin upang marating mo ang eskwelahan. Sa kanilang paglalakad ay may nakasabay silang mga batang mangyan, ng matapos ulit ang isang oras medyo natatanaw na nila  ang komyunidad na kung saan nakatayo ang paaralan at ang ibang kabataan ay doon na nainirahan. Pag dating ni titser annie sa paaralan na iyon ay halos mapawi ang kaniyang pagod ng masilayan niya ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante niyang mangyan. dalawang taon na siya nagtuturo sa sitio labo, at sa tagal na iyon ay naranasan niya na mabuhay ng walang kuryente sa pagtuturo. at hindi ka magkakaroon ng tubig kung hindi ka magiigib, subalit sa kahirapang iyon natuto parin ang mga kabataan na magbigayan, katulad...

Journal #2 ni Raelyn Fojas

Journal #2  Istratehiyang "Tres- Dos-Uno" 3- mahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng posisyong papel.  Una, natutunan ko sa pagsulat ng posisyong papel na dapat ay mayroon kang sapat na ebidensya na makatotohanan para mas mahikayat sa mga mambabasa. Ang mga ebidensya na  ito ang mas magpapalinaw sa pinapanigan mo.  Pangalawang natutunan ko sa pagsulat nito ay marapat na magaroon ka ng paninidigan o pangangatwiran. Mabuti na alam mo o kaya mong tumayo sa kung anong panig mo. Sa pangangatwiran o sa pagkakaroon  ng paninindigan ay dapat na mahinahon ka lang sapagkat alam mo sa sarili mo na ikaw ang tama.  Panghuli dapat ay siguraduhin mong ang isinusulat mo ay sang-ayon sa kung anong interes mo. Dahil sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng magandang daloy ang iyong sinusulat dahil hindi ka mawawalan ng gana. Magkakaroon ka ng dahilan o gana na manindigan o mangatwiran.  2- kasanayan mo na nililinang sa pagsulat ng posisyo...