Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Output #4 ni Raelyn Fojas (Finals)

Output #4                                                                           152 Sahud-Ulan                                                                         Tanza,Cavite                 ...

Output #2 ni Raelyn Fojas (Finals)

Output #2 Lakbay Sanaysay "Hundred Islands"                    Sino nga ba ang hindi magnanais na makapagbakasyon? Wala na nga atang mas gaganda pa sa isang bakasyon kasama ang iyong mahal sa buhay upang magpakasaya, makalimot sa problema o sa kung anong dahilan p.Isipin mon a lang na nasa harap moa ng isang tanawin.Kasama ang iyong pamilya o kaibigan,diba’t kaygaan nito sa pakiamdam.          Hindi ko malilimutan noong ika-10 ng Disyembre taong 2016 ng madaling araw ay nagsimula na kami ng pamilya ko na maglakbay mula Cavite papuntang Alaminos, Pangasinan.Nang ika- 5 ng madaling araw ay nakarating kami sa Dambana ng Manaoag,Pangasinan para dumalo sa misa. Matapos nito ay nagpatuloykami sa paglalakbay hanggang sa maabot na naming ang Alaminos,Pangasinan.Tumigil kami a isang bahay parentahan at dahil napagod n ang lahat sa biyahe ay napagdesisyunan na ipagpabukas nalang a...

Output FINALS ( Liham Pasasalamat) ni Gk Esguerra

Family Ville Subdivison  Bucal, Tanza, Cavite Ika-1 ng Marso 2018 G. Julius Abarro Manager Intel Manila, Philippines Mahal na Ginoong Abarro:       Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sainyo sa maluwag na pagtanggap ninyo sa akin sa trabaho bilang programmer.       Ipinapangako ko po sa inyo na isa ako sa pinakatapat at maasahang tauhan at gagawin ko ang aking mga responsibilidad sa abot ng aking makakaya.               Muli, Maraming salamat po! Lubos na sumasainyo, G. Gian Karl Esguerra

Output FINALS ( Letter of Application) ni Gk Esguerra

Family Ville Subdivision Bucal, Tanza, Cavite Ika-19 ng Pebrero 2018 G. Julius Abarro Manager Intel Manila, Philippines Mahal na Ginoong Abarro:      Pagbati!      Ako po si Gian Karl J. Esguerra na nagtapos ng Bachelor of Science in Computer Engineering sa ADAMSON UNIVERSITY sa taong 2022. Nais ko po sanang magapply ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang programming o anumang posisyon na nauukol sa aking kurso.          Ang pagiging masipag at matiyaga ay nagbunga ng magandang kinabukasan dahil ito ay aking ipinagmamalaki upang makasiguro at handang balikan ang anumang responsibilidad na iaatang sa akin ng inyong kompanya.      Sa kasalukuyan, ako po ay nakatira sa Family Ville Subdivision, Bucal, Tanza, Cavite.          Maraming salamat po sa inyong pagtugon Lubos na sumasainyo, G. Gian Karl Esguerra

Output#2 ni Ma.Fatima Prudente (Mid/Abstark)

    ANg layunin ng pananaliksik na ito ay para magkaroon ng sapat na kaalaman at upang mabatid ng mga mambabasa ang naging karanasan at pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na salik: Emosyonal, Ispiritwal, Mental, Pinansyal, Relasyon, at Sosyal. ang ganitong klaseng pananaliksik ay dumadaan sa isang Quantitative Method at ginamiatn ito ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga nakuhang respondante ay pinili manananaliksik base sa ibinigay na record ng alaminos, laguna. ang ginamit ng mga mananaliksik na instrumento ay serbey, na may bilang na tatlompo't lima na mga respondante. ang mga ito ay may edad na labing dalawa hanggang labing walong gulang na mga batang ina. base sa datos ng impormasyon na ito, mas maraming tumigil sa pagaaral kesa sa ipagpatuloy ito. mahigit nasa tatlompo ang hindi na pumasok. ayon sa nakatala sa nilalaman, mas maraming nabuntis noong nasa edad na 17-18 at ang pinaka kaunting nabuntis ay nasa edad 13-16. ang iba sa kanila ay ikinasal sa ...

Output#1 ni Ma.Fatima Prudente (Mid/ANgProsesoNgPagsulat)

" Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw."     Ang pagsulat ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't iabang larangan. mahalaga sa pagsulat ang paksa sapagkat dito natin natutukoy ang layunin ng ating pagsusulat. ito ay naangkop sa wastong pag gamit ng akademikong pagsusulat.     Nakatutulong ang paksa, Tema at ibang katanungan sa mga magaaral. simula unang baitang ay sinasanay na tayo sa pagsulat at pagbasa. may kakayahan din tayo makisalamuha sa larangan ng pagsulat. kinasanayan na anting gumawa ng mga journal o talambuhay kahit nasa ikalawa o ikatlong baitang pa lamang. nagkakaroon tayo ng interes sa isang bagay na pinagmumulan ng ideya natin. mayroon tayong pananaw na nagpapatibay ng ating pagsusulat ng kwento. dahil sa pananaw na iyon, naipaguugnay-ugnay natin ang mga kaganapan, pangyayari at mga sitwasyon sa kwento. naiisaayos n...

Output#6 (Mid/SpokenPoetry) Ni Ma.Fatima Prudente

AKALA Akala ko ang lahat ng Pag-ibig ay puno ng saya,  Ang Pagiibigang puno ng sigla, Sigla na kung saan naging puno't dulo ng isang pansamantala at unti-unting pagdurugo. AKala ko ang saya ay hindi mapapalitan ng lunkot, pero napatunayan ko na ang saya , ay kapatid nga pala ng lungkot, Simulan natin sa mga gabi, sa gabi ng pagsuyo na tila mo'y alaga sa pagmamahal, pagmamahal na di kalaunay humantong sa pagtulog ng mahimbing na di man lamang nagbabati, habang kayakap ang mga unan sa gabi at ang luha'y naguunahan sa pagtulo at tanging dingding at kisami lamang ang nakaksaksi ng aking pighati,  wala, wala ng ibang magawa kundi ang mga luha sa mata'y punasan Akala ko iba ka sa lahat, OO sa lahat, sa lahat nag ipinadanas mo mayrrong pinakamasaket, ilang eses kong hiniling ang pagsuyong sa una ko lamang nakamit, ilang beses ko inilabas ang mga luha kong  may paghihinagpis, na OO akala ko nanaman, na akal ko kapag inantay kita sa hating gabi muli ...

Output#7 (Mid/Editorial) ni Ma.Fatima Prudente

     Simula ng Maatasan si Rodrigo Duterte, hindi nagtagal ay nagkaroon ng digmaan sa MArawi nito lang 2017. Agad inaksyunan ng Panguloang gulo sa marawi. madaming sundalong pilipino ang isinabak sa gyera laban sa mga ISIS. madaming pamilya ang nagluksa dahil maraming sundalong bayani ang binawian ng buhay.      Nito lang din 2017 ay pinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law. dito, militar ang namumuno at hindi na kailangang antayin pa ang utos ng pangulo o gobyerno. nakatulong ang pagpapatupadng Martial Law sa mga militar. nanalo ang militar ng ating bansa, kaya't nagbigay ang ibang mamamayanng konting tulong dahil sa sinapit ng mga taga marawi.      Sa ngayon ay medyo nakakaunlad na ang marawi, hindi man gaanong maayos pero patuloy parin sila sa pagbibigay ng tulong. mas magandang pag handaan ng mga pilipino ang posibleng mangyari, dahil ang marawi ay walang kaalam alam na magkakaroon ng digmaan sa lugar nila. kailangan magin...

Output#6 ni R.R.E Falcon

"Eroplanong Hugis Puso: Sabi mo sakin noon, ako ang magsisilbing piloto sa biyahe ng buhay mo. Ako ang magadadala sayo sa mga lugar na pinapangarap mo. Hinding hindi ko rin makakalimutan yung mga katagang " Pangako hindi kita iiwan" Mga salitang hanggang sa ngayon patuloy kong pinanghahawakan Marami-rami narin tayong lugar na napuntahan kasama yung nag-iisang eroplanong ating sinasakyan Pero bakit habang tayo ay nasa kalagitnaan Para tila lumihis yung eroplanong ating sinasakyan Dahil mukhang hindi ito yung lugar na nais nating puntahan Napadpad tayo sa kugar na hindi natin inaasahan Lugar na kung saan walang kasiguraduhan Kung mayroon pa nga bang patutunguhan Bakit Ganto? Anong lugar ito? Nasaan tayo? Mga tanong na nabuo sa isipan mo Bigla kong naalala ako nga pala yung piloto Nakakapagod din pala magpalipad ng eroplano Akala ko nung una masaya pero nakakasawa rin pala yung palaging ganto Mukhang eto na yung hudyat na kailangan na nating itigil ito. Ayok...

Output#4 ni R.R.E Falcon

OP#4 "Kasaysayan ng paaralan ng San Agustin" Ang paaralan ng San Agustin ay pinangalan sa isang patron ng tanza na si San Agustin na mas kilala sa tawag na Tata Usteng. Itinayo ang paaralang ito noong ika-4 ng Pebrero taong 1969 sa pangunguna ng dating pari ng Tanza na si Monsignor Francisco V. Domingo. Paaralan ng nangagarap na magbigay ng isang natatanging edukasyon at katolikong edukasyon para sa mga kabataan. Ang pagbubukas nito ay ginanap noong Hunyo taong 1969 at nagbukas para sa mga baitang kinder at baitang isa. Pagkatapos ng isang taon, naitayo ang pangunahing gusali katabi ng kaliwang bahagi ng simbahan. At noong taong 1971, nagtayo muli ng isa pang gusali para naman sa sekundarya. At iyo ay natapos noong 1972 at sumunod naman dito ang palaruan o basketball court. Ang unang punong guro ng paaralan nh San Agustin ay si Ginoong Angeles Gabutira. AR. na naglingkod sa paaralan ng dalawang buwan bago si Ginoong Clemencia Ranin ang pumalit. Noong umalis si Gino...

Output#3 ni R.R.E Falcon

OP #3 "TITSER ANNIE"   Maraming tao ang abala sa lungsod, abala sa iba't ibang gawain sa paaralan man o maging sa opisina. Pero sa kabila ng mga nagliliwanag na haligi at maingay na paligid sa lungsod, atin namang silipin kung ano nga ba ang estado ng edukasyon sa mga kabundukan. Si titser Annie ang naatasan ng Departamento ng Edukasyon na magturo sa isang grupo ng mga mangyan, paaralan sa isang lugar na kung tawagin ay sityo labo. Dito makikita ang iba't ibang batang mangyan na determinadong matuto. Baks rin sa kanikang mukha ang hirap na dinaranas ng mga taong mangyan sa kanilang lugar. Makikita rin dito ang pasan-pasang hirap ng buhay dahil sa liblib at makipot na lugar. Bago ka makapunta sa sityo labo kailangan mong maglakad at tumawid sa labing anim na ilog. Mula kinder hanggang ikatlong baitang ang sabay-sabay na tinuturuan ni titser annie at mula baitang apat hanggang anim naman ang sabay na tinuturuan ni Titser Annie. Bago matapos ang araw libr...

Output#2 ni R.R.E Falcon

Output#2 "Kasanayan ng isang batang ina" Abstrak Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina.Ang pananaliksik na ito ay kabilang sa isang kuwantatibong pananaliksik base sa "convenience".  Ang mga taong pinili sa pananaliksik na ito ay tatlumput lima na batang ina na may edad na hindi bababa sa labing-dalawa at hindi tataas sa labing-walong gulang at ang mga ito ay nalaman na naninirahan sa lugar sa Sta.Rosa Alaminos, Laguna. Lumabas sa resulta sa pananaliksik na ito ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag ginrupo sa antas na huling pag-pasok, kung ito ay timigil sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag iginrupo sa estadong marital.  Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagtukoy ng mga kasanayan ng isang batang ina kung ang mga naguudyok sa kanila o ano ang mga nagiging pangunahing dahilan sa pagiging batang ina.

Output # 1 ni Prudente, Ma.Fatima (Finale)

      Isang natatanging karanasan bilang isang mag aaral          2016 ng nakapagtapos ako sa Paaralan ng San Agustin noong ako'y hayskul pa lamang. hindi nagtagal ay sumabak naman ako sa senior hayskul ng San Agustin. parehas na taon din iyon nangyari.       Dito ko naranasan mahirapan ng sobra dahil hindi ko inaasahan na ganoon pala kahirap ang buhay sa kolehiyo. Naranasan ko rin na bumagsak. akala ko'y hindi na ako makakabangon muli ngunit ginawa ko lahat ng aking makakaya upang bumawi sa aking grado, sa kadahilanang gusto ko kumuha ng kursong Civil Engineer. nagsumikap ako bilang estudyante ng STEM. alam kong hindi doon matatapos ang aking storya. hindi pa ako nakakatapak sa kolehiyo kaya wala akong karapatang sumuko. naisip ko na walang wala pa ito sa buhay ng tunay na estudyante ng kolehiyo. lumipas ang mga buwan at araw na wala akong ginawa kung hindi magsumikap, hindi ko na hinayaan mapabayaan ang aking pag-aaral. nan...

Output # 2 ni Gk Esguerra (FINALS)

Output # 2 (Lakbay Sanaysay)        Noong ika-28 ng Enero 2018, kami ng pamilya ko ay nagpunta sa Bulacan para sa isang salo salo na inihanda ng aking lolong umuwi galing ibang bansa.        Habang ako'y nasa biyahe papuntang Bulacan ako ay nakatulog dahil dalawang oras ang biyahe papunta doon. Nang nagising ako kami ay nasa NLEX na at nag stop over muna kami sa Jollibee para kumain dahil nagutom kame sa biyahe.       Nang nakarating kami sa Bocaue, Bulacan ang sarap ng simoy ng hangin at tsaka anlamig lamig. Nakita ko na ulit yung mga pinsan ko, ninang at ninong ko, mga kamaganak ko dahil ilang taon na din kami hindi nagkikita at siyempre yung lolo kong galing ibang bansa. Ang daming nagulat sakin dahil dati kasi anliit liit ko pa noong huling punta namin doon ngayon daw anlaki laki ko na daw. Noong tinawag ako ng aking lolo binigyan ako nang pasalubong na sapatos at mga damit, siyempre nagbless muna ako at nagpasalamat. Pagta...

Output # Liham Pasasalamat ni Kertz Henrich Gajete(Finals)

Output # Liham Pasasalamat Blk3 Lot49 Countryhomes Subd. Bucal Tanza,Cavite                       Ika-12 ng Pebrero 2018                A.Bill Gates Microsoft Inc. CEO New York Mahal na Ginoong Gates:                                Maraming salamat sa inyong pagtanggap sa aking bilang kawani ng inyong kopanya.Buong puso ko pong tinatanggap ang trabahong ito at gagawing ko po ang akin makakaya upang mapalago pa ang kompanya.Nawa'y magkaroon po tayo nang magandang samahan sa susunod na mga araw.            Ang pagiging isang kawani ng inyong kompanya ay isang malaking pagkakataon para sa          akin na magsimula ng trabaho.Salamat sa inyong pagtanggap.                       ...

Output #6 ni Kertz Henrich Gajete

Output #6 "Kaibigan" Ang sarap pala magmahal Yung tipong ang tagal tagal mo nang magisa tapos dumating siya Ay hindi, kayo pala Lahat ng inipong pagmamahal ay binuhos mo ng walang angal Sa kalokohan na kasama kayo, kwentuhan,kulitan,asaran,nagbobonding,nagjajamming,naglalaro, gumagala,tumatambay,kumakain. Na hindi natin alam kung meron nga bang halaga kung bakit nagsasayang tayo ng oras makapiling lang ang isat-isa kahit na pagalitan ng magulang paguwi dahil ginagabi dahil sa gusto natin laging kasama ni bro, pre ,boi , trops, tol at kahit anog pang tawag natin sa isat-isa gusto nating tumagal ang bwat minutong tayoy magkakasama Mga trip ng tropa na nakasanayan na sanay ka nang mapagtripan at bumawi kinabukasan sanay kana sanay kana yung mga kaibigan mo na libre ang magyabang, magkutyaan at magkasakitan sanay kana , na minsan ay naiiwan ka ay minsan ay nang iiwan ka. sanay kana, at minahal mo na ang totoong sila Yung kaibigan mong halos itnuting mo...

Output #5 ni Kertz Henrich Gajete

Output #5  "BIONOTE"          Si Kertz Henrich Gajete ay ipinanganak noong ika Marso 11,1999, 18 taong gulang na siya ngayon .Ang pangalan ng kanyang magulang ay sina Lemelyn R. Gajete at Marlon B. Gajete at siya ay nakatira sa Countryhomes Subdivision Bucal Tanza,Cavite.Kasaluuyan siyang nagaaral sa St.Augustine Senior Highschool sa Grade 12 STEM 2.          Ang mga asignaturang kanyang kinahihiligan ay Media Information,Physics,English for ACADS at Contemporary Arts. Ang kanyang mga kinhihiigang gawin ay maglaro ng basketball, badminton at ang paglalaro ng mga computer games.Ang pinapangarap niyang propesyon ay maging isang Computer Engineer at isang Information Technology.

Output #4 ni Kertz Henrich Gajete

Output #4                                            "Saint Augustine School Tanza,Cavite"            Ang Saint Augustine School ng Tanza ay pinangalan sa patrong nga Tanza na si St.Augustine na mas kilalang Tata Usteng.Nadiskubre ito noong Pebrero 14, 1969 ni Monsigce Franciso V. Domingo, ang parish priest ng mga panahong iyon.Nagsimula ang SAS noong Hunyo 1969 na nagooffer ng kinder at grade 1.Ang sistema ng edukasyon ay nakabase sa La salle.At makalipas ang isang taon nagtayo ang sas ng pribadong gusali sa kaliwang bahagi ng simbahan.At matapos noon ay nagkaroon ng Highschool classroom naman at may basketball court.Ang unang punong guro ay si Sr.Angeles Gabutina Av.Ang logo ng SAS ay ginawaa at dinesenyuhan ni Norgin Molina.Ang mga salitang nakaukit sa logo ay SI POSSUNT CUR NON EGO na nangangahulugang kung kaya nila kaya ko.

Output #3 ni Kertz Henrich Gajete

Output #2 "Titser Annie"               Sa isang lugar sa mindoro may liblib na komunidad.Kung saan si titser annie ay naglalakbay patungo roon.Nilalakbay niya ang mataas na bundok para lamang makapgturo sa elementarya ng Labo.Tinatawid niya ang 16 na ilog linggo linggo.At sa 14 na taon niyang pagtuturo ay hindi parin siya umaalis sa paaralan ng Labo.Dahil narin sa napamahal na siya sa mga katutubong mangyan.Si titser annie ay tinuturuan ang mga kinder, grade 1,2 at 3,at sabay sabay niya itong tinuturuan.Dahil dalawa lamang sila ni titser kristel,ay pinagtutulungan nilana makapgturo sa mga mangyan.Sa umaga ay ang mga bata muna at hapon ay ang mga matatanda naman ang kanyang tinuturuan.Sa kinder may isang dalaga na 20 anyos at ang kanyang pangalan ay Dina.Siya ay pumapasok lamang ng tatlong araw at kng minsan ay hindi siya pumapasok dahil kailangan niyang magtrabaho.             Si Dina ay mayroong pinuntahan noon a...

Output #1 ni Kertz Henrich Gajete

Output #1      "Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw"              Ang pagsulat ay napakahalaga sa ating pangarw-araw na gawain.Gianagamit natin o ginagawa nating sumulat para magbigay ng impormasyon at sa pakikipag komunikasyon.Ang pagsulat ay nagagamit natin sa paggawa ng mga tula, sanaysay at iba pa.Sa paaralan ay madalas tayong magsulat, lalo na sa mga asignatura natin.At mayroon itong proseso para maisagawa ng maayos ang pagsulat.              Sa ating pagsulat ay kinakailangan natin na maging espisipik sa paksa, dahil ang paksa ay tumutulong sa atin na malinang ang gusto nating sagot.Ang pagkakaroon ng tema sa pagsulat ay siyang nagpapalinaw para makuha natin ang tamang kasagutan.At tayo rin ay gumagawa ng tanong para madali natin itong mabigyan ng pansin.Dahil an...